4 Replies

Ako from hk nagbakasyon kami to pinas bale dinala ko buo yung isang lata ng milk ni baby tapos yung water nasa baby bottle na agad at naka measure na meron rin akong reserbang nakameasure na milk sa lagayan para habang sa byahe i tataktak nalang sa bote, then yung pag sterilize naman mostly hotels meron naman electric kettle so nagdadala lang ako nung foldable na palanggana.

salamat sa mga suggestions mommies 😁 thanks din sa pagrecommend ng foldable basin di ko alam na meron palang ganito 😅

9 months na si LO and lagi kami naalis hehe. Pinupuno ko na lahat ng bottles ng water tapos if ilang araw, dala na din namin yung bote ng Wilkins tapos 1 pack ng milk just in case kulangin yung nasa milk container nya. Sa paghugas, dala ko din yung bottle brush and dishwashing liquid nya, banlian lang ng hot water. Pag nasa hotel, may electric kettle

thanks sa idea mommy, nawala sa isip ko na pwede nga pala banlian ng mainit na tubig kesa dalhin yung buong sterilizer

private vehicle kami kaya madaling dalhin ang sterilizer, bottles and water, bottle wash, brush. nasa plastic handy storage box ang bottles and formula milk. during travel, may water na ang bottles. naka per takal na ang formula milk para madaling magprepare.

thanks mommy, btw eh for local travel by plane? natry nyu na with baby?

I suggest bumili ka ng extra bottles mii,then bago kayo bumiyahe i-sterilize mo na lahat ng bottles para pag dedede na si baby malinis na lahat.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles