Asawa/live in partner!

Hello mga mommies! Ask ko lang po sana kung may nakakaranas din po sa inyo ng mga salitang masasakit galing sa partner niyo po?😥 anu po ba dapat gawin? Minsan po kasi pag hindi kme nagkakaintindihan sasabihin niya sakin wala akong kwenta ang tamad tamad ko. Matakaw ako haha ganun po tapos mumurahin niya ako. 💔Nakakawala na po ng gana minsan kasi feeling ko hindi na niya ako mahal.. palagi nalang ako yung may mali sa paningin niya. Hirap kame magkasundo😭😭😭😭

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po LIP ko. pero di ko po maiwan kasi maraming consequences kung sakaling gawin ko yun at naawa ako sa mga anak ko, ayaw ko lang kasi ng gulo kaya tinitiis ko na lng lahat. Dati lagi ako umiiyak pero prang wala lng sa kanya na nasasaktan ako, i tried to confront him pero sinasabihan lng akong madrama. Kaya ang ginagawa ko nalang ngayon, hinahayaan ko nlang sya, di ko sya kinakausap or nakikipagsagutan sa kanya nawalan nalang ako ng pakialam parang naging manhid na nga ako parang nagsasama na lng kami para sa mga bata, di ko na din sya pinapakialaman basta maibigay nya lng yung para sa mga anak ko. wala na ko pake kung mahal nya ko or hindi na ang importante lang makita kong masaya at nabibigay kailangan ng mga anak ko okay na yun sakin.

Magbasa pa