Kakatapos ko lang sa phase na yan haha, grabe hirap. Hirap makatulog dahil sa sobrang kati di ka mapakali. Makatulog ka man magigising at magigising ka. May gabi non 2 hours lang tulog ko susme nagrereklamo na ko di ko na alam gagawin ko. Pero nung nagstart ako paghaluin ung cetaphil lotion na may caladryl inaapply ko ung after maligo nababawasan ung kati 2 to 4 times ako maligo kase nawawala kati pag nadadampian ng malamig. Kahit papaano nakakatulog ako ng lagpas sa 2 hours. Nung nagpacheck up na ko sa ob niresetahan nia ko ng cetirizine twice a day pero once a day ko lang ininom for 3 days lang wala na di na bumalik nag subside narin lahat ng pula ko ngayon okay na ko mahimbing na ulit tulog ko. 38 weeks and 3 days ako ngayon.
 Magbasa pa