Hi mga mommies ask ko lang po anong magandang formula milk kay baby ko premature kasi sya 1 month and 1 week po siya kaso ang hina po talaga ng breastmilk ko feeling ko kulang po talaga sa kaniya. Kapag nagpa pump din po ako hanggang 30ml lang talaga kinakaya pasagot naman po salamat po.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganon daw po talaga mommy sa una. Law of demand and supply po. Mahina pa ang labas ng breastmilk kasi onti palang naman ang kayang i-consume ni baby. Sobrang liit pa ng tyan nila. Kung gusto nyo po na talagang lumakas yung supply nyo ng breastmilk dapat po drained lagi boobs nyo para magsignal sa katawan natin na kulang yung gatas, so magpproduce lalo yung katawan natin ng breastmilk. At based po sa ibang mommy, pedia po ang nagssuggest anong magandang formula milk ang dapat sa baby nyo. 😊 pero tuloy nyo lang po pagpapadede.

Magbasa pa
VIP Member

Ask niyo po ang pedia niyo if you want to know kung ano ang mas okay na formula milk for prema babies. But if ever po law of supply and demand ang breastmilk..ga kalamansi pa lang po ang bituka ng newborn kaya konti pa lang po talaga makukuha niyo. Sa pumping po tyaga lang, every 2hrs kayo mag pump mga 2 weeks in may difference na po sa supply niyo. Continue pumping or better direct latch. Drink lots of water and kumain po ng maayos. You can do it mommy!

Magbasa pa