Abnormal blood sugar

Hello mga mommies, ask ko lang po ano po ginawa niyo nung mataas po ang blood sugar niyo? Nagpa OGTT po kasi ako nakita sa result na napaka taas po ng blood sugar ko.. Any suggestions po? Ano po magiging epekto kay baby..? Kinakabhan po kasi ako first time mom.. 🥺 P.s: now lang po ako nagpa OGTT then kanina po nakuha ko na result sinend ko po sa OB ko kaya bukas po may ff up check up po ako..

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mommy. Sasabihan ka po ng OB kung ano po dapat mong gawin para pababain ang blood sugar. Same case po, mataas din po result ng OGTT ko. Di lang po isang beses, 2x ata ako nagpaganun kasi mino-monitor po yong blood sugar level ko. Nirefer po ako sa Internal Medicine tsaka sa dietitian para ma-guide ako sa anong dapat kung gawin para mapababa yong blood sugar ko. Nagmonitor din po ako ng blood sugar tsaka kahit mahirap nagdiet po talaga ako kasi malaki daw po tiyan ko at baka mahirapan daw po akong ilabas si baby. May mga follow-up check-ups pa ako sa mga doctor pero di na natuloy kasi nanganak na ako, sa awa ng Diyos, nai-normal ko naman.

Magbasa pa
8mo ago

Gawa po ng high blood sugar kaya malaki si baby sa loob. Kasi yong sobra po nating sugar ay napupunta po sa kanya kaya sya lumalaki. Kailangan pababain kasi may epekto po pag mataas ang blood sugar, pwede mapaaga ang panganganak para di sya lumobo ng todo sa loob, pwedeng magkaroon ng miscarriage o kaya ma-CS etc. Tsaka after manganak need natin magpacheck ng sugar kasi minsan tumutuloy ang diabetes kahit tapos na ang pregnancy.

ilang weeks po bago may pa OGTT?

8mo ago

sinabihan na po ako ng OB ko nun na mag pa OGTT MII