mga mommies, ask ko lang.. ngayon kasing pandemic nagdecide ako magbigay ng mga gatas for baby na hindi napapabreastfeed ng mga mommy nila.. limit ko lang per day is 3-5 small na formula milk minsan biscuit(yun lang po kasi ang kaya ng budget ko.. lumpia vendor lang kasi ako at single mom pa).. eto na po, ang dami na nagchachat sken sa fb para humingi ng gatas o kaya biscuit ng anak nila.. minsan diaper.. sa dami po hindi ko po lahat matulungan.. nakakalungkot lang kasi yung iba na hindi ko mabigyan kung ano anong masakit pa sinasabi sken.. kesyo pasikat lang daw ako, di naman totoo yung libreng gatas or biscuit ko.. di ko naman po matiis ang mga baby lalo na single mom ang parent kasi danas na danas ko ang hirap.. dapat ko na bang itigil yung ginagawa ko? ano ss palagay nyo mga mommies?