5 Replies

Normal lang yan mommy sa mga toddlers. :) Ganyan din kasi ang baby ko eh. Nandun parin kasi sila sa phase na inaaral palang nilang kontrolin yung sarili nilang emotions. Kapag hindi nila nakuha yung gusto nila, hindi pa nila alam kung ano ang magandang i-respond sa situation kaya ang tendency, nagtatantrums nalang sila. For sure naman, habang lumalaki sila, they will realize kung anong tamang gawin. And as parents, need natin ng mas mahabang pasensya at kalmadong guidance para mas maipaunawa sa kanila na hindi lahat ng bagay na gusto nila, makukuha nila. :)

Mahirap nga po i handle yan lalo na't kambal. Yung sa isa nga lang ang hirap ng patahanin, yung dalawa pa kaya. Minsan po kase kailangan nating maging firm sa stand natin na hindi lahat ng bagay ay makukuha nila. Kapag kase bigay tayo ng bigay at nasanay sila, ko-controlin na po nila tayo at talagang magwawala kung hindi natin ibibigay ang gusto nila. May friend ako na speech therapist at inadvise nya na talagang maging firm tayo na no is a no kase eventually mauunawaan din nya na hindi lahat ng bagay ay makukuha nya talaga.

Discipline mo sila early on pa lang. Halos naman lahat ng bata nagtatantrums pag hindi nakuha ang gusto. Magdedepende sa approach mo kung pano sila mapapatigil sa ganyan. Otherwise, hanggan lumaki sila pwedeng ganyan pa din ang gagawin pag hindi nakuha ang gusto.

Kahit anong galit at pagkapuno mo na mommy, wag na wag mo silang sisigawan at papaluin, masama kasi ang effect nun sa magiging attitude nila paglaki. More patience nalang mommy kasi halos lahat naman ng toddlers nagdadaan sa ganyan. :)

pano nga kaya pahabain ang patience. got 10 month old twins din. they are my first at the age of 33

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-17636)

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles