Nagbago na si mister simula nung magka baby kami
Hi mga mommies , andaming pagbabago simula nung manganak ako dahil tumaba ako , pakiramdam ko wala ng gana si mister makipag sex sakin .. na iinsecure pa ako kasi lagi nyang tinitignan mga luma kong pictures , pakiramdam ko gusto na nya yun maibalik agad.. kaso CS mom ako at di advice sakin mag workout agad dahil 6th month pa lang si baby.. Tapos share ko lang mga mommies , andami rin nagbago sa pagsasama namin mas dumarami na ang problema namin, kaya nung mothers day nabanggit ko sa knya yung rashes ng anak namin .. then bigla na lang sya nagsisisigaw na alam nya ayaw nya ng paulit ulit ako .. na pepressure daw sya sa mga gastos .. di ako marunong umintindi sa knya .. eh sa totoo lang sobra sobra na pag iintindi ko sa knya .. dahil pakiramdam ko di nya ako priority dahil mas inaalala nya pa magbigay sa magulang nya kesa sakin .. mag 3years na kming kasal pero ngayon lang nya ako pinahawak ng pera nya .. di pa nga lahat .. magkano lang allowance ko sa knya 300-400 lang kada cut off nya .. tapos nag adjust ako kasi sabi ko mas kailangan ko umintindi kesa mag away kami .. ang sabi ko pa darating din yung time pag nagka baby kami magbabago sya pero wala ganun pa din ..Di naman ako naghahangad ng gift nun sa mothers day , batiin nya lang ako at halik okay na sakin .. kaso hindi nasigawan at nagwala sya .. natakot ako nun kaya niyakap ko si baby .. First Mothers day ko yun pero di ko makakalimutan yun ..napakasakit lang talaga sobra .. walang mapaglabasan ng sama ng loob #1stimemom #advicepls #pleasehelp #StruggleIsReal #relationshipproblem #TrustIssue