Salary

Hello mommies. Sobrang di ko maintindihan talaga ang pakiramdam ko. Teacher ako at yung asawa ko alam kong nahihiya sakin na mas maliit ang sinasahod nya kaysa sakin. Sa totoo lang nasasaktan ako kasi sabi nya nahihiya daw sya sakin when in fact sobrang proud ako sa kanya kasi hardworking sya, he's doing his best para mas malaki pa ang maiabot nya, madami syang sideline. Pano ko po ba maiaparamdam n hindi ko sya minamaliit? Baka kasi yun ang nafifeel nya :( Transparent po kami sa knikita mg bawat isa lalo na sakin, alam nya lahat kung magkano ang pumapasok sa atm ko including my bonuses and alam nya din kung maglalabas ako. Hawak ko din atm nya. Yun nga lang, pag sya ang sumasahod, hindi ko alam kung magkano eksaktong pumapasok kasi naka-gcash sya, may magtetext kung magkano sinahod nya pero dinedelete nya ang message. Sabi nya nahihiya daw syang makita ko kung magkano pumapasok. Di ako after sa kung magkano kinikita ng asawa ko, gusto ko lang ng transparency saming dalawa at gusto kong mafeel yung respect.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Then yan mismo ang sabihin mu sa kanya momsh, wala namang hindi nadadaan sa magandang usapan. Make him feel na kailangan mu sya at na wala sa taas ng sweldo ang batayan ng inyong pagsasama kundi ang pagiging tapat sa isa't isa 😍