Poop

Mga mommies, 3 weeks old na yung baby ko at palagi siyang parang umiire. Parang pang matanda na nga ire niya eh. Minsan nakakatawa pero madalas nakaka-bother na kasi parang nahihirapan siyang magpoop. Ano kayang ibisabihin nun. Exclusive bf siya kaya iniisip ko kung dahil ba yun sa kinakain ko.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tuwing tumatae lang po ba? Baby ko ganyan din kahit kpg uutot sya, normal lang po yan. Minsan khit tulog bigla na lang parang iire na mukhang nasasaktan. Natakot din ako noong una tapos ginoogle ko grunting babies po tawag jan. Kusang nawawala kpg 3 o 4 months na. Nagaaral pa kc sila dumumi o maglabas ng gas..

Magbasa pa
5y ago

Yes po, kahit pag utot lang umiire pa din. Kala koay masakit lagi sa kanya. Thank you po sa info. Normal lang pala talaga yun

VIP Member

Baka nga po nahihirapan siyang tumae pero normal naman kasi talaga umiere sila pag tumatae pero kung walang tae lumalabas baka talaga nahihirapan