daily foods
hi mga mommies 3 months na po akong pregnant and nahihirapan po akong magisip ng kakainin ko. Magisa lang din ako sa bahay. Ano pong kinakain niyo madalas break fast, lunch and dinner po.
Anonymous
10 Replies
Latest
Recommended

Magsulat ng reply
For breakfast okay ang oatmeal sis rich in fiber, bread pag ayaw mo nang oatmeal, tapos fruits. Nung 1st Trimester ko, talagang hirap kumain kaya research ka na lang din nang safe kainin para makapili ka dun. For lunch, eto lang yung time na may gana ako kumain nang rice at ulam. Pwede kang kumain nang vegetables and meat para balanced diet. Tapos sa dinner, light meal lang ako para di ako mahilo or masuka. Kaya maigi na magluto nang ulam na may sabaw Tinola, Nilaga, Sinigang ganun para pag di mo kaya mag kanin, magsasabaw ka na lang at ulam.
Magbasa paRelated Questions