hello po. ako 8weeks pregnant na. nagka brown discharge ako simula 4weeks palang. pag dating ng 6 weeks dinugo talaga ako kaya kinailangan ko ma confine. base sa TVS sa hospital ngka bleeding ako sa loob. binigyan naman ako ng gamot na. so far ok naman na ako. pagdating ng 8weeks ko wala ng brown discharge. mas mabuti siguro po na follow up mo po sa ob mo,para maalis narin ang inaalala mo. maaring ipa TVS ka nya nang malaman sa kasalukuyan kung wala naman ibang dahilan sa loob. pero mostly,sabi nila normal lang daw yan basta wag lang fresh blood.pero iba narin ang maingat sis,siguraduhin mo na rin.
same tayo, nagkaroon dn ako brown dischrge mga 4-6 weeks may subchorionic hemorrhage kasi nakita. pero ngayon wala na masyado lumalabas 8 weeks na ko kulay yellow naman lumalabas kaya niresetahan ako antibiotic baka infection yung yellow discharge. Iwas ka muna makipag sex and tanong ka sa OB
sis, pwede ko ba malaman kung nasa harap ang placenta mo at low lying? sa akin kasi ganoon. at mei minimal bleeding rin sa last tvs ko. hoping this next tvs ko ok na sana result.
Minjoe Lupera