PPD is not a joke π
Hi mga miii, just want to share and have some comfort in this group 10 mons na po since nung nanganak ako. Super hirap pa rin hanggang ngayon. I was not diagnosed na may PPD, but I usually experience yung mga symptoms neto. Today, parang hindi ko na kakayanin mga mii. π₯Ί I'm doing my best to be the best mom I could ever be, pero yung mami ko walang kasupport support sakin. Employed po kasi ako and 1st time mom. Aside from my salary my sidelines po ako like shopee sellee and kapag nandito sa bahay small time printing business ginagawa ko. Yes, pinagkakasya ko lahat ng time ko doing all that pero still caring for my baby since pure breast feed din naman siya sakin. May times na sobrang lungkot yung bigla ka nalang maiiyak di ka makatulog at para bang wala ka sa sarili. Ginagawa kong lahat mga mii, para sa anak ko. Patuloy na lumalaban para sa anak kahit hindi present ang kanyang ama. Pero mga mii, bat ganun para sa mami ko parang ang walang kwenta kong ina, na sinsabihan akong busit na ina na kahit wala akong ginagawang mali. Nasabihan nya akong busit na ina dahil maghapon kami magkatabi ng anak ko pinatutulog ko pero di ko mapatulog hanggang sa may nagpaprint at pinakisuyo ko muna saglit yung anak ko sa kanya. Yun po ang busit ko daw mga mii, mali ba kumayod para sa anak??? πππ pag naman po wala akong trabaho at sya lang inasahan ko baka di lang busit sabihin sakin napaka walang kwenta na πππ san ako lulugar mga mii. Di na nakakahealthy ng condition. Gustong gusto ko pong bumukod sa magulang ko pero 10 mons palang po anak ko walang magbabantay kapag ako po ay pumapasok sa trabaho. πππ nag uunder na nga ako mga mii sa work para lang makauwi agad sa anak ko pero bat ganon busit daw akong ina πππ