Regarding po sa pag papahilot

Mga miii magiging safe po ba si baby sa hilot? kasi sobrang baba daw po ng matris ko.nakita din kasi sa ultrasound ko na nasa labasan na si baby baka may tendency kasi na maging paladesisyon sya at lumabas bigla ng walang pasabi sakin ๐Ÿ˜… 5 months preggy po ako advice kasi ng mama ko pahilot daw para tumaas sya. mejo natatakot lang po kasi ako, sino po kaya dito naka experience na magpahilot? Salamat po ๐Ÿ˜Šโ˜บ

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Noooo, please stop believing na sa mga sinaunang kasabihan. Yung mga ninuno kasi natin wala naman means before, sobrang limited pa ng knowledge, di pa sila nagpapa ultrasound, kaya ang alam lang nila gawin is home remedies. Ngayon po sobrang high tech na. Mas maniwala po tayo sa mga ob na ilang taon na nag aral. Talk to your ob ano pwede mo gawin. Baka mas makasama pa sayo ang hilot

Magbasa pa

same case po tau pero di advisable na magpahilot lalo na po nasa stage ng development si baby at baka mapisat sya pag nagkamali ang manghihilot. niresetahan lang ako ng pampakapit kay baby at nag bedrest lang po ako mii. pinagbawalan ako mag bubuhat ng mabigat at mapagod ng sobra

elivate mo po legs mo sa wall, tapos lagyan mo pillow biwang mo sa likod for 30mins po, everyday po, wag na po ung hilot, hindi po xa safe....

18 weeks and 2 day na si baby baba din ng matris ko.sonasbihan din ako na magpahilot pero takot ako baka mas lalo lumalala.

TapFluencer

di po advisable ang hilot sabi ng ob ko and sono ๐Ÿ˜Š baka raw kasi mas maging delikado ang lagay pag nagpahilot.