Ayaw dumede sakin.

Hi mga miii, ano kaya dapat gawin. Ayaw ni LO dumede sakin. 2 days kami sa hospital. Dumedede sya pero alam ko nakukulangan sya sa milk na lumalabas sakin. Kasi umiiyak sya. Then nagkasugat na ung nipples ko. Pagka discharge Namin. Nag formula agad ako Kasi naawa ako sa LO ko Panay iyak. Ngayon. Mejo dumami na milk ko tumutulo na. Kaso Ang problema ayaw na nya dumede sakin. Inverted nipple Po Kasi ako. Nahihirapan sya mag latch since lubog utong ko. NAKAKA guilty. Nag try ako mag pump. Pinadede ko sa kanya, kaso napansin ko. Parang ayaw nya. Tinikman ko, mejo matabang ung milk ko.

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply