Bawal daw maligo?

Mga mii sino din po dto ung bagong panganak palang or pagktapos nanganak naligo na? Lalo napo sa mga nag normal delivery jan , sino po dto ung dina sinunod mga pamihiin about sa 9days na bawal pagligo po ako kasi hndi ko kayang hndi maligo eh

Bawal daw maligo?GIF
38 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako po, sa public hospital po ako nun nanganak sa first baby ko. Init na init na rin kasi ako nun tsaka pinupush na kami ng mga nurses and midwife dun na mag kikilos na and mag lakad lakad tapos maligo kasi okay lang naman daw yun. Ayun naligo ako, naging presko naman sa pakiramdam

ako nakaligo after 2days kasi nakauwi na kami ng bahay from hospital. d ko matiis na isipin magpapadede ako o kakarga ng bata o hihiga sa kama na d naligo man lang kasi super dumi sa ospital. kawawa si baby dapuan pa ng sakit dahil dala natin dumi from ospital.ayun

ako po pag katapos manganak kinabukasan naligo na ako.kasi pinagalitan ako.ng doctorr na admit pa kasi baby ko sa nicu kaya no choice din po ako masarap.sa pakiramdam basta pag naligo.ka.saglit at dapat lagyan mo.ng mainit na tubig yung ipapaligo mo

ako po naligo ako kinabukasan pagka panganak ko sabi ng midwife okay lang daw po, fresh pa po water, kasi sa lying in lang ako nanganak dahil pandemic nun. tapos pag uwi namin, araw araw po ako naliligo, hindi po warm.

2y ago

opo fresh from faucet po...

VIP Member

Ako mi right after manganak naligo agad ako kase hindi ko kaya yung feeling na nanlalagkit.. As in after ko lang malipat sa ward, ligo po agad ako cguro an hour after ko lang nalipat nun. Wala naman pong bad effect saken.🙂

ako po kinabukasan lng pagka panganak naligo na kc svi ni doc need maligo para hndi ma infect sugat ko, normal delivery po ako, ok lng nman,.. fresh water din po, bawal maligamgam kc nakakatunaw daw po ng tahi bka bumuka sugat

Katawan mo magsasabi nyan kung kaya mo hindi. Pero ako di ako naliligo agad pag tapos manganak kasi binatin ako wala masama kung sunod sa pamahiin ayoko lang din maabuso katawan ko at pagsisihan ko pagtanda ko.

2y ago

mas malala sa trangkaso at sobrang masakit sa ulo na mararamdaman mo yung pintig.

naligo n ko after a day ng CS. malagkit eh.. so far ok nman. kung mapamahiin ka go lang.. samin kasi hindi, sinabhan din ako ng OB n mag linis ng katawan kasi dedede din si baby sakin kailngan malinis. so aun

2y ago

yes wla kasing heater sa hospital.

Naligo ako after 3 days nung nadischarge na ako sa ospital. maligamgam panligo. hindi kasi ako naniniwala sa pamahiin. mas ok sa akin ang maligo for hygiene purposes lalo na inaalagaan si baby

TapFluencer

ako naligo agad kinabukasan after ko manganak. jusko day napakainit kse at ok lang naman maligo para malinis ang katawan at sugat na meron tayo. 8months na baby ko ngayon at ok naman ako.

2y ago

opo yung normal na tubig sa gripo kse dko kaya yung init nun grabe

Related Articles