Giving birth

Mga mii, okay lang ba manganak sa PGH first baby ko to and don plano nung nanay ng tatay ng baby ko, since may kakilala daw don yung ate ng magiging tatay ng anak ko doon dahil naging nurse daw po sya doon ayaw kase gumastos ng malaki nung nanay nya considering na first apo nya ito at may kakayahan naman. Medyo kinakabahan ako bukod sa malayo from here sa bahay namin e public din po iyon di naman sa minamaliit ko yung public hospital pero mas comfortable kase ako if private manlang katulad kung saan ako nag papacheck up ngayon. Kaya ngayon nag hahanap ako ng work para makaipon manlang ako para kahit papaano sa private manlang ako manganak nag resign kasi ako sa work dahil nagkaron ako subchorionic hemorrhage nung 8 weeks pero ngayong 15 weeks na ako nawala naman na sa Ultrasound . Salamat po sa sasagot. #1stimemom #advicepls

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ok naman po sa PGH. Na-confine doon ang father ko, pero as a Covid patient. That being said, alam ko po, main referral facility sila for Covid cases so itanong nyo po maige kung tumatanggap ba sila ng mga nanganganak sa ngayon. Nung surge po kasi, hindi sila tumatanggap or very limited ang cases na tinatanggap nila don na non-Covid related. Isa din po to consider, may mga hospitals or doctors na dapat naka ilang check-up ka muna sa kanila before ka nila ientertain na manganak doon. Kung di kayo nagpapacheck-up sa PGH ngayon, ano pong guarantee na tatanggapin kayo don kapag manganganak na kayo? Sa Private hospital naman po, maaaring umabot ng 80k ang normal at 120k pataas naman ang cs. Also, not sure kung anong work ang makukuha nyo ngayon considering malalaman ng applyan nyo na preggy po kayo.

Magbasa pa

okay lang naman po kahit sa public hospital na , yung partner ko gusto private hospital pero knowing na hindi natin malalaman ano mangyayari sa final stage nang panganganak , baka Ma CS kaya yung last minute nag decide ako public hospital nalang para walang bayad , at yun nga sa di inaasahan na CS ako , at wala kami binayaran sa public hospital kahit piso , maalaga din mga staff , nurse , midwife at doctor , kahit alam ko impossible talaga ma e normal yung panganganak kasi malaki si baby at first baby pa , pero tina try talaga nang mga staff na ipa ire nang normal pero di nakayanan kaya CS nalang talaga . Same first impression talaga pag public hospital , pero sa experience ko okay naman , yung room lang talaga sobrang madami pasyente , siksikan at mainit pero okay naman .

Magbasa pa

I think ok ang PGH magandang hospital naman siya bilang public sabi ng pinsan ko may private rooms din at fyi mi skilled talaga mga doctors and nurses dyan😊 Kaso sa panahon ngayon pandemic pa rin eh yun una iisipin kung gaano ka safe manganak sa mga govt hospitals. Ako kasi twice nanganak lagi pinipili ng husband ko sa private kami di mo naman maiisip ngayon yun comfortable kayo e una talaga kung gaano kayo ka safe sa dami ng tao sa govt hosp.. Saka mi napakamahal ng private ngayon dahil sa covid lalo pag CS ka mag prep ka ng 100k plus

Magbasa pa

Ok jan sa PGH. Lahat ng mga specialist at magagaling na doctor anjan. Madami magagaling na OB consultant jan. Mga doctor sa private hospitals minsan jan sa PGH din nagcoconsult. Kasi mas advance sila jan. Sobrang complete din ng gamit. Meron din sila private wing. If ayaw mo mag ward. Pero not sure patakaran nila ngayong pandemic. Better ask kung ano mga requirements nila. Kasi baka hinde sila nagtatanggap basta basta.

Magbasa pa
VIP Member

Bakit yung mother in law mo ang gagastos? Sabihin mo nalang own money niyo ang gagastusin sa delivery kaya kayo dapat masunod, pero kung pera pala ni mother in law, negats yun kaya siya my say kasi siya gagastos. Pero okay naman PGH established public hospital yon, magagaling mga doctors don mga specialist naman lahat ng doctors and nurses don.

Magbasa pa

Sis payo ko wag sa pgh. May experience ung ka churchmate ko noon grabe pag ka panganak daw nya iniwanan sya naka bukaka pa tapos nakabukas pa ang kurtina nadadaanan sya grabe daw tlga. That was 5 yrs ago baka naman nagbago na sila. Ako hindi ko tlga icoconsider kasi doon hindi ka priority masyado. Mahirap manganak ng ganun.

Magbasa pa
TapFluencer

For me, if normal po ang results niyo and ready na po kayo manganak, mas maganda maglying in kaysa public po. Mas maaasikaso ka kasi doon if ever since ikaw lang ang patient. Medyo may kamahalan po kasi ang private this pandemic kaya try considering another birth plan.

Okay lang naman mii, ospital din naman yon pero iba parin yong service sa private. Ipon ka mga 50-70k para sa panganganak mo. Bayad ka din sa SSS and Philhealth.