Giving birth

Mga mii, okay lang ba manganak sa PGH first baby ko to and don plano nung nanay ng tatay ng baby ko, since may kakilala daw don yung ate ng magiging tatay ng anak ko doon dahil naging nurse daw po sya doon ayaw kase gumastos ng malaki nung nanay nya considering na first apo nya ito at may kakayahan naman. Medyo kinakabahan ako bukod sa malayo from here sa bahay namin e public din po iyon di naman sa minamaliit ko yung public hospital pero mas comfortable kase ako if private manlang katulad kung saan ako nag papacheck up ngayon. Kaya ngayon nag hahanap ako ng work para makaipon manlang ako para kahit papaano sa private manlang ako manganak nag resign kasi ako sa work dahil nagkaron ako subchorionic hemorrhage nung 8 weeks pero ngayong 15 weeks na ako nawala naman na sa Ultrasound . Salamat po sa sasagot. #1stimemom #advicepls

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ok jan sa PGH. Lahat ng mga specialist at magagaling na doctor anjan. Madami magagaling na OB consultant jan. Mga doctor sa private hospitals minsan jan sa PGH din nagcoconsult. Kasi mas advance sila jan. Sobrang complete din ng gamit. Meron din sila private wing. If ayaw mo mag ward. Pero not sure patakaran nila ngayong pandemic. Better ask kung ano mga requirements nila. Kasi baka hinde sila nagtatanggap basta basta.

Magbasa pa