Giving birth

Mga mii, okay lang ba manganak sa PGH first baby ko to and don plano nung nanay ng tatay ng baby ko, since may kakilala daw don yung ate ng magiging tatay ng anak ko doon dahil naging nurse daw po sya doon ayaw kase gumastos ng malaki nung nanay nya considering na first apo nya ito at may kakayahan naman. Medyo kinakabahan ako bukod sa malayo from here sa bahay namin e public din po iyon di naman sa minamaliit ko yung public hospital pero mas comfortable kase ako if private manlang katulad kung saan ako nag papacheck up ngayon. Kaya ngayon nag hahanap ako ng work para makaipon manlang ako para kahit papaano sa private manlang ako manganak nag resign kasi ako sa work dahil nagkaron ako subchorionic hemorrhage nung 8 weeks pero ngayong 15 weeks na ako nawala naman na sa Ultrasound . Salamat po sa sasagot. #1stimemom #advicepls

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ok naman po sa PGH. Na-confine doon ang father ko, pero as a Covid patient. That being said, alam ko po, main referral facility sila for Covid cases so itanong nyo po maige kung tumatanggap ba sila ng mga nanganganak sa ngayon. Nung surge po kasi, hindi sila tumatanggap or very limited ang cases na tinatanggap nila don na non-Covid related. Isa din po to consider, may mga hospitals or doctors na dapat naka ilang check-up ka muna sa kanila before ka nila ientertain na manganak doon. Kung di kayo nagpapacheck-up sa PGH ngayon, ano pong guarantee na tatanggapin kayo don kapag manganganak na kayo? Sa Private hospital naman po, maaaring umabot ng 80k ang normal at 120k pataas naman ang cs. Also, not sure kung anong work ang makukuha nyo ngayon considering malalaman ng applyan nyo na preggy po kayo.

Magbasa pa