What to do?

Hi mga mii, I am 8 months postpartum to my healthy and makulit baby boy. The problem po is I had just discover that I am again pregnant. Sa mga mommies po nag nasundan agad wala pang 1 year. How did you manage? I feel so down po kasi imbis na matuwa and I feel bad para sa unborn baby ko dahil di ako masaya na nabuo sya and umiyak pa ako 😞 #postpartum #mommyagain

What to do?
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello po, I have the same sentiments when I found that I am pregnant with my 3rd child na 11 months palang yung baby ko, bali 1 week nalang mag 1 year old na sya at dun ko nalaman na I am pregnant. Kasi delayed2 na ako since I breastfeed my 2nd baby. For history I had my 1st baby nong 2021, but he died kasi super preemie pa 26 weeks. I got pregnant with my 2nd, 10 months postpartum, then ngayon pregnant ulit almost 12months postpartum. At first I cried kasi I want to enjoy my 2nd baby pa na sya palang muna yung baby kasi I am not ready for another child and planning na din to go back to work. I took me 3 weeks to process. I dont want to feeo my unborn child na unwanted siya, kaya I processed muna bago sabihin sa iba, I went to my OB, and she said okay lang naman daw na sunod2 since wala naman complications kasi na fullterm ko yung 2nd and via NSD.I settled for a thought na, maybe the baby is given to us in an unexpected time kasi I was planning na di na sundan kasi nga the process of getting pregnant is hard but having a baby is a joy to me. Yung process lang talaga. It was late conception tho kasi patapos na fertile days nakahabol lang yung sperm so maybe it is really meant for me/us. I settled also sa idea na tama na sundan kasi mahirap yung only child lang, walang kalaro yung baby ko, at maganda yung closer gap kasi almost sabay lang yung growth nila at isang byahi lang sa pag aalaga. Maganda din ang relationship kapag closer gap, though di lahat but may advantage talaga sa sibling relationship kapag malapit lang ang gap at ang hardwork ng parents to take care of babies ay hindi back to zero kasi familiar pa sa mga dapat gawin. May nag comment na "If ayaw mabuntis dapat nag contraceptives" tama naman but wala silang right to invalidate your feelings kasi hindi porket may contraceptives totally safe for unwanted pregnancies may mga discrepancies naman talaga sa contraceptives kaya wag mo nalang pansinsinin. Slowly you will accept and embrace it mommy. It will a challenge for you but again its a season it will pass and someday you will appreciate the age gap kasi nag thrive ka. By the way I am 18W6D pregnant almost halfway thru 3rd pregnancy, super fast lang ng araw ngayon kaya, take a deep breath, process things, your body can handle it. God bless po. sabi pala ng OB ko as long as walang complications sa previous pregnancy getting pregnant early after a previous one is safe naman po.

Magbasa pa
4mo ago

Denelyn, yes kapag may konting mistake at least after that double ingat na. It will be a challenge po talaga, pero come to think of it sa mga older people na anak ng anak, wala pang available information about contraceptives, kinaya nga nila what more ngayon na information are always available at the same time may mga pweding tumulong. As for your case mommy, if alam mo mahihirapan ka, wag ka po mag hesitate to ask help kasi hindi po tayo superwoman but we are superheroes sa mata ng mga babies natin. Come to think of it po, parang may kambal lang yung case niyo, kasi almost sabay.. God bless po sa inyo. Ingat po

DON'T WORRY, MOMMY! Okay 'yan, mahirap pero marerealize po little by little habang nag-go-grow sina baby na masaya pala. Just like what I feel right now. On May 31st 2021, I gave birth to twins. As a first time mom, sobrang hirap kase nagka-post partum depression po ako. 2 months later, nagbuntis po agad ako. Imagine, CS po ako n'un sa twins ko, lalo pong tumindi 'yung depression ko; that time my parents were so angry, my husband couldn't do anything to make me feel better and always makes me feel bad, my new born babies were still delicate to handle and I almost couldn't rest and had only a little time to sleep until I got the idea to abort my unborn but, I just can't. Thanks to God! During my pregnancy to my youngest, I felt very helpless as I was the only one taking care of my months old babies (take note that I was also doing the house chores). On May 6th 2022, not even a year later, I gave birth again. As of now, I am taking care of 3 toddlers that are very naughty. And this experience is another level. Hehehe. Just sharing my experience, I hope you feel relieved. πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°

Magbasa pa
5mo ago

Thank you so much po for sharing your experience ❀️. I am just so afraid of so many things, considering ako din nag dadala mainly ng finances namin. Hope I get to accept everytging bit by bit very soon πŸ™πŸ™

Okay lang yan mi ako kakapanganak ko lang last sept 2023 cs ako then after 3 months nalaman ko na buntis ulit ako at first natatakot ako na baka di ko kayanin or baka mapaano si baby lalo cs ako wala akong katulong mag alaga sa baby ko pero awa ng dyos nasurvive ko naman yung ilang buwan ito mag 1yr na this sept si first born ko at schedule cs na ako this sept din. Pag nanay ka na talaga lahat kakayanin para sa anak natin kahit mahirap minsan naiiyak nalang ako pero laban lang kasi walang ibang tutulong sa atin kundi sarili lang natin. Anyways congrats swerte tayo kasi binigyan tayo ng blessing❀️ Magtiwala lang tayo sa taas mi.

Magbasa pa

Una sa lahat mahigpit na yakap mommy! Alam naman natin na ang maging ina ay napakahirap pero ganon pa man, yakapin mo na kase BLESSINGS yan at anghel yan. Basta teamwork lang kayo ni hubby at syempre support system sa other member ng family. Kayang kaya mo yan mommy, basta sa ngayon PRAY PRAY PRAY PRAY and ask guidance kay Lord God na bigyan ka ng malakas na katawan, maayos na isip at pasensya sa pag aalaga kay baby habang ayan na lalaki ang tummy mo soon. God is with you, walang mahirap sa Kaniya. Gagaan yan at wag mo na ikabigat kasi ikaw rin ang mahihirapan. Go go go, mamsh! πŸ₯°

Magbasa pa

Hi Parents! Just a reminder to BE KIND and respect the post. Welcome ang lahat ng questions dito. Gusto naming panatilihing safe ang space na ito para sa mga parents na mag-share ng stories at magtanong. Binura namin ang mga offensive comments na na-report kasi walang lugar para sa mga ganun dito sa app na ito. Let this be a reminder to keep this community a safe space for fellow parents to share stories and ask questions. Thanks!

Magbasa pa

Wow congrats mii blessing po yan. Ang dami jan hindi magkaanak yung iba gumagastos pa ng pagkalaki laki para magkaroon lang sila ng anak ikaw po bless na bless ka😊 super bless ka ni God kasi biniyayaan ka ng 2 magkasunod. Kaya po yan mii ayos yan isaang hirap lang at may makakalaro na panganay mo. I'm sure hindi ka naman bibigyan ni God if know niya di mo kaya.

Magbasa pa

just think lang sa positive side mommy. just think na isang hirap nalang pagpapalaki mo sa kanila. isipin mo nlng din na magkakaroon siya ng kalaro ndi nya na need mag beg for someone para lang my makalaro sya. baby is a blessing. sadyang sunod sunod na blessings lng ang binigay sayo 😊😊😊

same sa pakiramdam ko nung una mii pero 2 yrsold na panganay ko pero ngayon okay na ako masaya na kasi baby girl na ang susunod sa kanya at super love ng kuya niya. wag ka pastress miii sooner lalo kapag dama mo na paggalaw niya magiiba din yung pakiramdam mo. πŸ₯°πŸ˜‡ sending hugs miii πŸ₯°

FOR CONTEXT: Naka oral pill po ako (Dianne pills) nag consult ako sa OB for this FP. Very careful din ako sa ovulation ko (Naka calendar) and naka alarm pa ang time to drink ng oral contraception kaya na shock ako kasi na late ako ng 2 days (Regular period po ako and always on time).

VIP Member

Ako na cs mom 3 months na si baby pero hindi pa ulit kami nag do ni hubby kase takot ako mabuntis ulit 😁 hindi pa ako makapag contraceptives gawa ng wala pa ko mens mula nanganak kaya patiently waiting sya sabi ko sakanya wait nya lang din na totally makarecover muna katawan ko.

4mo ago

injectable naman po ok lamg kahit wala pang mens basta wala pang do sa husband safe pa po kayo nun