Magkaibang EDD sa dalawang ultrasound

Hi mga Mii ask ko lng if normal bang magkaiba ang EDD sa dalawang ultrasound,sa unang ultrasound ko EDD ko is Sep.1 but nitong last kong ultrasound ang EDD ko is Sep.16 #pregnancy

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same sakin momsh. first ultrasound ko December, TVS august 21 EDD, second ultrasound nung month of May, august 13 EDD. Third ultrasound ko july 13, ang EDD ay august 6..... august 4 ,1cm palang then august 6 same prn nasa 1cm no sign of labor. kaya bumalik ako ng august 8 and pina ultrasound at naging august 18 ang EDD. kaya august 9 ng morning balik na namn sa OB for IE at ipakita ang ultrasound but still 1cm prn at kpg hndi prn dw ako nanganak until august 16 ay need kong bumalik sa OB. kaso august 9 afternoon pumutok na panubigan ko kaya need na tumakbo sa ospital at paanakin but still 1cm prn nung naIE kaya need turukan pampahilab. 7:56pm thanks god nailuwal si baby via normal delivery... kaya momsh kpg kabuwanan na dpt ready na minsan tlga di nasusunod EDD kht first ultrasound pa. kaya normal lang suguro tlga momsh na magkaiba ang EDD...😊...

Magbasa pa
2y ago

pwede po ba magnormal mommy posterior placenta?

Ako nga , hanggang ngayon hindi pa rin ako nanganganak , sa unang ultrasound ko edd ko aug 7 , tpos sa lying aug 14 naman . Base sa LMP ko . Tpos nagpaultrasound ako aug 23 naman , tpos nito last week naman aug 28 , edd ko tpos puro 1cm lang ako . Nilabasan mucus plug at kapag iihi ako my dugo paunti unti

Magbasa pa
VIP Member

ang Ultrasound po na EDD ay nkadepende dw po sa laki ng bata...kya paiba iba..pero mas mainam dw po dw po ang counting ng weeks, based sa 1st day ng last mens natin. Yun po ang sabi ng nurse sa barangay namin po.

Yung first na EDD talaga ang susundin my. sabi ng OB ko.. Mag chi change daw po talaga EDD natin kapag malapit na tayu manganak pero will stick pa rin po tayu dun sa nauna... ❤️

VIP Member

Eh pano po kung yung LMP eh inabot ng 1 month ung mens (due to pcos) pero ndi na ulit niregla kc nagbuntis na. LMP EDD: Aug. 27 First UTZ: Sept 9. Second UTZ Sept. 5.

TapFluencer

opo. ultrasound po kasi nagdedepend sa size ni baby. ang usual po sinusundan, LMP or ung edd sa first ultrasound. usually days apart lang ang difference nila.

First UTZ pero usually di din naman nasusunod yung dalawa na yan kaya be ready na lang po

same tau miii .. first ultrasound ko edd ko September 12 din ngayun September 16 na

same sken..first ultrasound Oct.30..second utz ko Oct.26..ilang araw lang pagitan

VIP Member

as per my OB, follow ang EDD based sa TVS ultrasound na may heartbeat si baby