Emotional sa pagmixed feed kay baby

Hello mga mii. 3months and 24days si baby at nagdesisyon kami na mixed feeding na. Kasi tuwing nadede sya sakin laging naiirita, nakukulangan na. Ewan ko bakit bigla ako nakaramdam ng lungkot. Papalatch ko parin naman sya hanggang may gatas pa na dumadaloy sakin. Pero naguguilty ako habang tinitignan ko si baby na nadede na sa tsupon. Paano po palakasin ulit ang milk supply?

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mi, kapag nagmixed feed ka, lalong hihina ang supply mo kasi di ka na regular magpapalatch. Law of supply and demand ang breastmilk production natin. The more na pinapa-latch mo si baby (demand) equals more breastmilk (supply). Wag niyo po sukuan. Kaya mo yan mi πŸ’•

Hi mi, baka di naman kulang supply mo. Pwedeng iritable si baby dahil naggo-growth spurt. Tuloy lang ang padede at wag na mag bote or formula. Hang in there mi, lilipas din yan. More water intake and unlilatch lang si baby

Hi po mi. Try to allow yourself po to rest and hydrate plenty of water. Stress is a big contributor sa supply din natin na milk.

Hi mi. Alisin po ang bote at ipa latch lang kay baby ung breastmilk. Dadami din yan kasi supply and demand ang breastmilk ntin.