Paninilaw ni Baby, 1 month old.

Mga mii 1 month na baby ko pero medyo madilaw pa rin siya pati sa mata niya kaonting yellow pa. Natigil kasi ako sa pagbilad sa kanya sa araw dahil sunod sunod yong pag ulan. Okay lang ba siya ibilad tuwing hapon na araw? Nag aalala kasi ako 1 month na kasi. Sept 13 pa balik namin ng center ang sabi ibilad lang daw kaso wala naman araw ilang linggo nang puro bagyo. 🥺😪

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din baby ko mi. Mga 2 days after ko pinanganak, nanilaw sya. Nagphototherapy sya sa ospital(yung parang UV light para mailawan at mainitan si baby). Mataas kasi bilirubin nya. Gumaling din naman sya. Siguro almost a month din yun bago nawala. Lagi ka lang mgpa dede mii at ibilad mo sya sa araw. Yung mga 6Am na init ng araw. Everyday mo lang gawin yan miii, mawawala din yan.

Magbasa pa
1y ago

thanks sa advice momsh

ganyan baby ko mie nung pinanganak ko yellowish sya, kya after 1wik nun pinablik ulit kmi pra iadmit babykoh at obserbahan n din sya., pinailawan sya sa hospital na pinag admitan nmin, then sb paarawan lang every morning!

VIP Member

ngayon po na maaraw araw na much better sunlight padin mi good timing nyan between 630 quarter to 7 hanggang 8am. hanggat hindi pa mahapdi sa balat ng may buhat kay goods sa exposure sa sunlight. mababawasan jaundice niya

1y ago

thanks momsh..mag alarm talaga ako para maabangan yong sunlight ng ganyang oras.

Mii ganyan din yong 2nd baby ko ang required kasi na paninilaw ng baby 4hours lang pagkatapos siyang maipanganak yan ang sabi ng Nurse sa aming center much better I pacheck mna siya

1y ago

will do momsh...this week balik namin sa center anyway thank you momsh

same tyo mii, 1 month na si baby, pncheck up nmjn, sbi bka breastfeed jaundice daw kaya pnaobserve smin ng 1 week ult kung d mwwla paninilaw. pnstop vitamins nya muna

TapFluencer

Hello mommy. Hindi po kasi adviceable ang sinag ng araw tuwing hapon. Tapo kung hindi padin po okay after 1 week ng paaraw better check with your pedia na po.

1y ago

thanks po sa advice momsh...observe ko muna si baby ko.

Monitor niyo po if more than a month na madilaw pa din talaga, check with your pedia na. Most likely ipapatest na yung bilirubin ni baby.

1y ago

more than a month na momsh pero sa buong month na yon hindi siya parati na papaarawan kasi puro ulan nong August...anyway thank you po momsh

bili po kayo ng ilaw ng sisiw momshie tas padedehin lng po ng padedehin plus kain ka po ng maraming ampalaya🤗

1y ago

thanks momsh

pag po kasi mataas bilirubin ni baby sa next check up ninyo baka ipaconfine si baby nyo para sa phototherapy

1y ago

more than a month na po pero dahil kasi di siya nakakabilad nang dire diretso kaya po ganon...anyway thank you momsh