Suhi or breech position

Mga mie, I'm 37 weeks ngayon. cephalic si baby since 20-36weeks and 5 days. tapos ngayon bigla syang nagbreech huhuhu. Pano kaya sya mapapabalik sa cephalic? bed rest kasi ako pero until tomorrow nalang, then papatagtag na sana. pano ko napansin na naging breech si baby? yung ulo nya napi-feel ko yung pressure nya sa baba ng right ribs ko. at dun sya nakaumbok. before, ang pressure ng head nya ay nasa taas ng pubic bone ko, alam ko kasi masakit pag sumisiksik sya doon na para bang gusto nang lumabas, at feel na feel ang head nya kapag nilapat ko yung palad ko sa area na yun. pero today lang, napansin kong sinisikmura ako at ang taas ng tummy ko ayun pala umikot si baby ng pwesto😒😒😒 makakabalik pa kaya sya sa cephalic presentation? hindi ko akalain na last minute iikot si baby, inaasahan ko nang manganganak na ko this coming week. 😒😒😒

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Imposible naman iikot parin si baby. Ako akala ko transverse parin si baby kase na ffeel ko yung pwet niya sa side ko. Ngayon pala naka position na. Ob ko nagsabi kahit walang ultrasound. Ma fefeel mo si baby pag yung sinok niya nasa ilalim ng pusod mo.

2y ago

yes po ang sinok ni baby before is nasa side or ilalim ng pusod ko. pero now hindi na po, nasa taas na po sya almost abot na din sa right ribs. kaya im sure na umikot sya. for the longest time naobserve ko galaw nya and pwesto since naka bed rest ako for 3 months na din. and been suffering sa lightning crotch since 30 weeks because of baby's head pressuring the cervix. now wala na po yun dahil umikot si baby. kaya im panicking na din talaga.

paultrasound ka po mi pra masure kung san naka pwesto head ni baby

2y ago

yes po mie magrerequest ako sa ob ko sa check up ko on thursday. worried lang ako kasi umasa na kong mainonormal ko yung delivery 😒 until now yung pressure is nasa right ribs ko padin and wala sa cervix ko like before. still hoping mapaikot ko pa si baby sa dati nyang pwesto