2 Replies

Dapat po ay once a month ang check up mo mula 1st-2nd trimester. Pag patak po ng 3rd trimester, every 2 weeks na po. ask ko po mommy, kumpleto naman po ba ang laboratory ninyo ni baby? nakapag OGTT, CAS at BPS po kayo?

yung OGTT (Oral Glucose Tolerance Test) ay test na ginagawa between 20-24 weeks depende sa OB nyo para malaman if may gestational diabetes kayo. Yung CAS (Congenital Anomaly Scan) ginagawa between 24-28 weeks, ay isang uri ng ultrasound or scan na tinitignan ang buong anatomy ni baby para malaman kung mag congenial anomalies ito, at para makita if possibleng may deformities, kulang or sobra sa katawan at kung may down syndrome. Yung BPS (Biophysical Scoring) naman ay ginagawa sa 3rd trimester para makita kung tama ang galaw ni baby, kasabay na rin po dito Yung stress test kay baby.

Ang recommended na regular checkup po ay once a month, then pagdating ng 9 months or 36 weeks ay weekly na ang checkup...

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles