No check up.

Hello mga mie, first of all sana ma respect itong tanong ko. Kakaresign ko lang kasi sa work and yung work ko 3hrs ang byahe sa bus kapag uuwi ako dito sa Place ni Hubby which is saan ako mag istay. Wala po akong permanent na OB dahil sulpot lang yung UZ ko sa OB na malapit sa work ko, then ang check up ko naman po ay nasa Birthing Home(Midwife) lang doon sa Place ng mama ko 1-2hrs ang byahe din😅. And then ngayon po nagpa final UZ ako dito sa Birthing home na malapit sa bahay nila Hubby and sinabi ko na rin na doon na ako manganganal kasi mas malapit nga po, ang kaso 36&4days na po ako wala naman akong naalala na sinabi ng Midwife nabumalik for check up or something 🥲. Ask ko lang normal po ba iyon? Like pupunta na lang ako sa Birthing Home nila kapag manganganak na? Nakikita ko kasi recently dito sa mga team September na may mga chinicheck na sakanila 😅. Curios ako ftm ako and solo as of now dahil si Hubby ay nasa malayo ang work 🥹. Btw ang EDD ko ay September 29.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dapat po ay once a month ang check up mo mula 1st-2nd trimester. Pag patak po ng 3rd trimester, every 2 weeks na po. ask ko po mommy, kumpleto naman po ba ang laboratory ninyo ni baby? nakapag OGTT, CAS at BPS po kayo?

4mo ago

yung OGTT (Oral Glucose Tolerance Test) ay test na ginagawa between 20-24 weeks depende sa OB nyo para malaman if may gestational diabetes kayo. Yung CAS (Congenital Anomaly Scan) ginagawa between 24-28 weeks, ay isang uri ng ultrasound or scan na tinitignan ang buong anatomy ni baby para malaman kung mag congenial anomalies ito, at para makita if possibleng may deformities, kulang or sobra sa katawan at kung may down syndrome. Yung BPS (Biophysical Scoring) naman ay ginagawa sa 3rd trimester para makita kung tama ang galaw ni baby, kasabay na rin po dito Yung stress test kay baby.

Ang recommended na regular checkup po ay once a month, then pagdating ng 9 months or 36 weeks ay weekly na ang checkup...