CS or Vaginal Delivery

Mga mie, ask ko lng opinyon nyo if nasa sitwasyon ko kayo. Nagpa-ultrasound ako kahapon, sabi ni OB na nag uultrasound estimated wt ni baby is around 3.2-3.3 kls @37wks pero pagkita ko sa printed ultrasound result, 3.39kls na sya. Borderline for Large Gestational Age. Sa Friday ako babalik sa mismong OB ko, pero iniisip ko na baka magpacs nlng ako or ipilit ang normal? May budget naman kmi. Naisip ko lang na baka kpag pinilit ko normal, mahirapan ako mauwi din sa E-CS. Kapag CS naman, mas matagal healing time. Palagay nyo mga sis? Salamat ha! Pasensya na sa abala.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mga sis, update ko lang. Di pumayag si OB na mag CS ako dahil wala daw indication for Cs unless nasa 4kgs si baby. Minsan daw kc malaki sa ultrasound pero maliit lang sa actual. Subukan daw muna namin magnormal, if 39wks at wala pa pagbibigyan nya akong mag CS. Niresetahan nya ako prim rose 2pcs ipapasok sa pwerta every night for 5days at meron din iinumin 3x/day for 3days. Balik ako Wednesday 🙏🏻

Magbasa pa