34wks pregnant hilo,pawis na malamig,pamumutla

Hello mga mi tanong lang po normal lang po ba sa buntis na makaramdam minsan ng pag hilo na para kang tutumba at pag pawisan ng malamig at pamumutla? 34wks napo kasi ako preggy bali po kasi sa ngayon kapos papo kami sa budget huling check up kopo sa lying in nung aug 22 pag nag papacheckup naman po ako normal naman po lahat timvang ko yung presyon ng dugo ko yung sukat ni baby pati nadin yung heartbeat ni baby may times po talaga na nakakaramdam ako ng ganon di ko po alam anong rason bakit di papo kasi ko makapag laboratory yung last rqst saken para sa bloodsugar and hiv test kapos papo kasi kami. Sa tingin nyo po ano po kaya reason bakit kaya may times na nahihilo,nasusuka, at pinag papawisan ako ng malamig?

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mababa hemoglobin mo pagka ganon. siguro 3 days before follow check up ko sa private ob ko for ultrasound and lab test na need nya and yun nga bumaba hemoglobin ko kaya ako nakaranas na parang tutumba, pagpapawisan ng malamig at pamumutla. kaya 3x ako nagtatake hemarate FA, nung august 27 lang ako nanganak post-cs. mahirap manganak ng mababa ang dugo sobra nakakaloka. pacheck mo yan, mas mainam ng safe kayo ni baby wag alalahanin ang budget maibabalik yan o kaya gawan ng paraan asap

Magbasa pa

Try niyo po mommy magpacheck up sa mga center or public hospital libre po dun marami pong paraan. Kesa i risk niyo po ang health niyo dalawa ni baby. Yung bloodsugat at HIV ay libre lang sa public hospital dun ako nagpapacheck up. Baka need niyo rin po ng gamot para sa dugo para hindi kayo nahihilo. Pray lang palagi mhie! nakapa dami pong paraan may mga libre din po sa mga brgy. pati gamot.

Magbasa pa

ako normal lahat lalo sa bp kasu nung nagpablood test ako mababa ang dugo ko kaya may pinatake sakin na gamot ang ob ko. minsan lang ako nahilo nagblack paningin ko at pinagpawisan ng malamig kaaama na din ung shortness of breath

baka nga po low bp or sugar...kung isang beses mo lang namn siya naramdaman at dina naulit ok lnag yan......pero pag may mga kasunod pa conault niyo na po OB niyo Mi...kasi symptoms din ata yan eclamsia based sa ibang buntis.

same 2times ko to naranasan. same weeks.

low bp or low sugar. go to your ob na.