10 Replies

same tayo ng situation. Ako since nagka baby bump mababa nadin and lage kong problema yung pressure sa puson ko. Dagdag pa na naka cephalic na sya since. Sasabayan pa ng paninigas yan sa puson na parang nakakapa mo yung ulo. Kaya maaga palang nag bbelly support na ko. Kahit mga ignorante mga marites samin. Bat daw nakaganon ako. Maiipit daw yung bata. Magpahilot nalang daw ako. Sinasabi ko na sayo to mi. Goodluck pag dating mo ng 3rd tri. Mas lalong mahirap. 32 weeks na ko and di na ko halos makakilos. Lalo na pag sumisiksik sya sa puson. Parang sasabog. you 😂

aq mag 28 weeks dn sabi mgpahilot aq kc mababa ata matres ko na bedrest aq nong 1st tri but ayoko pahilot natatakot aq, ingat2x lng aq sa galaw ko wag lng mgbuhat mabibigat, nag ask aq sa OB ko o low risk na dw aq pero need parin makiramdam sa katawan natin. Pag mag check up aq nag be belt aq para hnd aq matagtag kc parang ung feeling minsan na parang lalabas bigla c Baby na andon siya sa baba😅

29 weeks na ko at baby boy, maliit at mababa yung bump ko (alam mong mababa kasi medyo masakit sa banda puson/pwerta dahil sa pressure ni baby). My OB advised na magsuot ako ng maternity belt support, so ngayon medyo umangat na po sya 😊 Hindi po advisable ang hilot kasi baka ma crushed yung placenta nakakamatay po sa bata kung sakali magalaw ito.

same po tayo mi, ung feeling na minsan parang bigla lalabas c baby sa pwerta ko sa sobrang baba nya😅 kaya pag nakaramdam aq ganun belt aq agad lalo na f my check up aq un lng kc time nakaka alis aq ng bahay takot aq maglakad ng malayo sumasakit puson ko tsaka nag spotting aq before 2x nong 1st tri ko

Ano po ba sabi ng OB niyo sa inyo? High risk po ba kayo? Wag ka makikinig sa mga yan,sa OB mo lang ikaw makinig at wag ka magpapahilot,pwede ka makunan niyan at baka pumutok panubigan mo ng wala sa oras.

Bed rest ka lang mi,wag ka magpapahilot.

same case po tayo mii ako maglakd lang ako ng konte or nakatayo lang saglit titigas bnda sa puson ko .parang lalabs si baby at sa pwet ko masakit diko alam ano pkiramdam ko july duedate ko ,

Bed rest lng po wag masyadong maglalakad 28 weeks din po ako at mababa din khit babae ang baby need lng mag ingat po bawal sa mabibigat at pag sumasakit mahiga lng

Pag nakinig ka sa mga nagsasabi sayo na magpahilot ka kahit alam mo naman na high risk pregnancy ka, baka pagsisihan mo pa yan.... Sa doctor ka lang makinig!

sino po nagsabi sa iyo na mababa? kung sino-sino lang na hindi mga doctor lalo na at hindi OB, wag po makinig. please consult lang sa iyong OB.

TapFluencer

ask nyo po muna sa OB nyo kung pwede. wag po kayo basta basta makikinig sa mga sabi sabi lang. stay safe po lagi

bed rest kna lang miii hanggang sa manganak ka..para mas safe ky baby

ask lng din po mga mi. pwde po b aq mag sbi s ob q n mag bedrest n aq gang manganak? paulit ulit n kc aq dinudugo every month lng aq n ob report s knya d aq mapalagay kng ppasok paba aq s work or anu

Trending na Tanong

Related Articles