Please enlighten me mga mi šŸ˜”

Mga mi pang 20days na today simula Nung nanganak ako , 3rd degree Tahi ko mga mi via normal delivery, normal pa din po ba na masakit pa din iupo Ng matagal ung Tahi ko, Minsan pag umihi ako mahapdi Kasi may time na nababasa ung sugat o Tahi, nd ko pa nakikita itsura Ng Tahi ko pero ramdam na ramdam ko ung sakit. Bago madischarge sa ospital niresetahan Nako Ng gamot for 1 week ung mefenamic at antibiotics. Di pa din ako nakakakilos Ng maayos at nd pa dn nakakalakad masakit din ung singit ko ung mga laman2 kumbaga gawa Nung panganganak ko, 4'9 height ko and si baby Malaki para sken 3.0kg. nakapaghugas na din po ako Ng bayabas at ung singaw Ng bayabas na medyo mainit naupo na din ako sa balde. Please advice po. 1st time mom po ako.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako mii after a week nakakalakad na ako ng maayos, may konting hapdi lang pag umiihi. inadvise ako ng Ob ko nun na yung galing sa gripo na tubig ang ipanghugas wag yung mainit kasi matutunaw yung tahi. hindi ako nakinig sa sabi sabi ng matatanda na dapat mainit na tubig daw para hindi ka pasukan ng lamig. warm water lang ang pangligo ko pero tap water ang pinanghuhugas ko down there, sinabayan ko ng betadine feminine wash. wag ka nalang muna magkikilos ng masyado mi, if masakit pa rin better to consult your Ob na.

Magbasa pa
3y ago

as in normal na nakapaglakad ka na mi? ako Kasi mi nakalakad naman pero pa eka eka at dahan2 Kasi masakit ung mga kalamnan at buto2 ko mi Lalo na part sa singit kaya ung kilos ko mi limited lang din tlaaga. ung sa pempem ko mi nd na sya masakit ganu, pero ung sa pwet ko ramdam Kong may sugat pa Kasi masakit iupo at kapag maghugas ako pag nagpoop mahapdi. pag nagpoop nga ako mi minamassage ko pa pababa ung balakang ko para amahelp lumabas poop ko