Kulani sa likod ng ulo ni Baby
Mga mi palagi kasi nagkakamot ng ulo si Baby, sinundan ko kinakamot nya, may kulani na maliit sa likod ng ulo kabilaan. Tapos meron din malapit sa batok kabilaan na kulani. Napa check up ko na sya kanina, as per pedia nya iobserve ko daw po muna si Baby. Kasi kapag may kulani daw may nilalabanan na infection. Hindi ko maiwasan magalala. 10 months old baby boy po ang baby ko Baka may katulad po ako na case dito. Ano po advice ng pedia sainyo? Thank you.