Underweight baby

Hi mommies. Baka may maadvice po kayo sakin. I'm a FTM. Lumabas si baby ng 2.9kg @38weeks. She was breastfed for 3 months then nagback to work nako. Nagpump ako but eventually humina na milk ko hanggang sa magstop na ng tuluyan kasi di nako nakakapagpump masyado pagod na galing work. I'm a public school teacher po pala. Nung around 3 months na si baby nag formula na kami. Dun na nagstart ung prob. Ang hina po nyang dumede. Pinipilit lang sya. Ayaw nya sa gatas. We tried similac, S26 HA, Similac Tummicare, Enfamil, Nan, then back to Similac kami ulit ngayon. Nagpalit na dn kami ng nipples ng bottles nya. Ayaw nyang dumede pag gising sya, napapadede ko lang sya pag tulog sya. Dun po sya nakakadede ng maayos. Nakailang balik na po kami sa pedia, naka 3 pedia na kami pero ganun pa dn po. She's taking heraclene for almost 3 months now pero ganun pa dn po. Nung 5 1/2 months na sya pinagstart na sya ng purees akala ko makakabawi na sya ng timbang pero kahit purees po ayaw nya. 1-2 subo lang then ayaw na nya. As in sarado po bibig nya pag kakain or dedede na sya. Pag tulog naman sadyang binubuka ko lang po ung bibig nya kaya dumedede sya. Help me pls.. di kona po alam gagawin ko sa totoo lang. She's 6months now pero puyat na puyat pa dn ako dahil nga nagpapadede ako pag tulog na sya. Sa loob po ng 24hrs average of 22-24oz lang po natatake nya, 5oz pinapadede ko pero madalas nauubos lang nya 3 or 4oz lang. Masayang masaya nako pag napaubos ko ung 5oz sakanya pero di nya kayang straight un kc magsusuka sya. Ginagawa ko pag nakalahati na ipapaburp ko muna then rest for atleast 30mins bago ipaubos ung natira. Ung kada dede po nya umaabot ng 2hrs bago maubos kc tinataas nya ung dila nya or sinasara ang bibig para hindi makadede. Halos po oras ko nauubos lang sa pagpapadede sakanya kc ako lang ang ngttyaga na magpadede sakanya. Pag nasa work ako from 10am-6pm nasa mama ko sya and napapadede lang nya ng 5-6oz sa loob ng 8hrs na un. Then babawiin ko lang dede nya pagkauwi ko at pag tulog na sya. I'm so exhausted and stressed na po di ko na alam gagawin ko. Weight po pala nya last check up nya nasa 5.7kg nung 5 1/2 months sya. Balik po nian kami pedia ulit next week to check her weight. Pls help..

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung babae po sya pasok anman 5.5klo ang pasok sa 5months mi. ganyan din ako mahina mag dede anak ko nong 5months sya nakaka 3oz lang sya as long daw na di nag kakasakit sobrangs tress ko non umiiyak ako sa asawa ko pero minomotivate nya ako na wala naamn daw problem baby ko dahil di umiiyak at di nag kakasakit hanggang sa inano ko isip ko na walamg problem kase ngad di naman talaga sakitin. ngayon nag 6months sya nag 5oz sya ngayon ma 7months na sya 5oz pa din kmi. Bonnamil gamit namin gatas. try mo bonamil or nestogen malakas maka gain yon ng weight dahil sabi sabi nila mataas daw sa sugar kesa sa mga mamahaling gatas hehe. keri booms yan mi atleas di sakitin walang problem.

Magbasa pa
1y ago

babagal pa weight nya lalong 6months kase mag lilikot na sya

ganyan din naging problema ko mii sa baby ko ayaw nya uminom sa bootle and need ko na bumalik sa work Iam also a public school teacher and buti pumayag yong school head namin na dala² ko si baby sa school my bantay naman po siya. kahit anong pilit ayaw po talagang dumede, kahit pumped milk ko ayaw din and natakot akong maging ganyan sa case ng baby mo po na pumayat. tambak na din ang feeding bottlr ko pati avent na try ko na. hindi na lng namin pinilit kasi kawawa talaga ang bata.

Magbasa pa

Sa pamangkin ko ganyan din mahina talaga mag milk kahit kumain. Sinasabihan na underweight pero kung titignan naman sa weight guidelines hindi naman underweight..Pag pinilit sya kumain masusuka nya lang kinain nya kaya hindi na nya pinipilit basta mag offer lang pag ayaw wag na pilitin. Ang mahalaga hindi nagkakasakit. 9 yrs old na pamangkin ko until now mahina pa din kumain talaga petite body type nya.

Magbasa pa

same sa baby ko stress din ako sinabayan pa ng sipon at ubo, maloka loka ako umiiyak ako nagdadasal nakakapraaning naman talaga, natutuwa ako nung nakaraan kasi feel ko malaman na mataba na sya going to 6 mos .pero ngayong 7 mos namamayat sya sobrang likot namana talaga d matigil sa karga lang gusto pa ikot ikot sa katawan ko..ndi ko na nga alam kung gatas ba or vitamins papalitab😢

Magbasa pa

ano pong vitamins ni baby nyo? yung tikitiki po try nyo po or any vitamins na pang pagana sa pagkain

1y ago

Nag tikitiki nakami mi kaso maselan sa panlasa si baby sinusuka nya kaya pinatigil na muna sta mag vitamins ng pedia nya