How to gain weight
Hi mga mi, pa rant lang sana. 2 mos na si lo ko, and from 2.5 nasa 5kg na siya ngayon. Ebf kami at napaka fullfilling sakin na makitang naggain siya ng weight. Kaso ako naman ata yung pumapayat π payat na talaga ako even before mabuntis, nasa 43 lang timbang ko non. Ngayon ganon pa din weight ko and sinasabihan ako ng parents ko na kesyo taba taba na daw ng baby ko tapos ako payat payat ko daw. Nahuhurt lang ako ewan ko ba, di siguro talaga ako tabain kahit may baby na ko ganito pa din katawan ko. Malakas naman ako kumain, di ko alam kung bakit di ako tumataba. Any advice mga mommies, gusto ko na din talaga maggain ng weight. Before ako magbuntis kung anu anong vitamins na ang natake ko. Kaso di naman tumatalab. May mairerecomment po ba kayo na pwede kong itake, or anything na pwede ko gawin? Thank you!