Gender reveal

Mga mi okay lang po siguro na hindi ako magpapa gender reveal. Inask ako ni ob kung magpapa gender reveal pa ko at sabi ko hindi na po siguro. Wala naman po sigurong masama kung hindi na po noh? Hindi naman din po sa pagiging praktikal pero mas gusto ko lang po samin nalang po yun kasi ung pagbubuntis ko po ngayon di ko po masyado inaannounce lalo sa social media kasi masyadong toxic. Tyaka 2nd pregnancy ko na to, nung una kasi nakunan ako kaya medyo may trauma pa ako, gusto ko lang lowkey. saka nalang siguro paglabas na ni baby koooo 🥹🥹

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tinanong sayo ni ob kung magpapagender reveal ka para alam ni ob kung sasabihin sayo directly kung ano yung gender ni baby or not, if magpapagender reveal ka nga. Praktikalan nalang, di naman required magpa gender reveal, as long as healthy si baby okay na yun.

uo nmn Po. aq 8 months today preggy pero wla ng gender2 reveal. ftm Po. sa mahal ng mga bilihin ngaun dpt praktikal tlga. masmainam na paghandaan Ang paglabas ni baby. pati nga dmit ni baby 2nd hand e. ung mga barubaruan lng ung binili q sa shopee 6 sets lng.

same tayo. second baby ko na to . haha di din ako mapost ngaun sa pregnancy ko sabi din kasi sakin mas ok ng kayo kayo lang nakakaalam para iwas "bati". ok ng alam nila buntis ako kakalat din naman e 😂 madami chismosa sa earth

Yes mommy. Hnd naman importante. Ako hndi ako nagpagender reveal. Kako babawi nalang ako paglabas nya. Hndi ko rn kasi masyado pinahbgay alam na buntis ako. Closest friends and family ko lang pinaalam. Less comment, less stress.

hi momsh, ako po ftm pero hindi rin po kami nagpa gender reveal. regardless naman po if boy/ girl anak namin we're happy ☺️ but then personal choice po namin yun ni hubby. we respect others na gusto nila mag gender reveal.

Ngayon nalang nauso yang gender reveal gender reveal na yan. Pang celebrity lang yan hehe dagdag gastos lang sating mga normal na tao lang naman. Di naman required yan wala naman yan nuon. Mastress ka lang din magplano.

Hindi naman po required yun. Nasa sainyo paano nyo sasabihin sa family nyo. Pwedeng sabihin nyo lang casually wala na eme party or what. Si Iza Calzado wala rin naman gender reveal. Nauuso lang po pero hindi required.

VIP Member

Just do what makes you comfortable, at peace, and happy. Don’t conform sa mga trends dahil hindi naman required. Wag din iisipin sasabihin ng ibang tao. It’s your life, your choice, your rules. 🙂

Its okay mamsh! Ako rin di naman na nagpa gender reveal. Hindi naman po required yun. Yung iba sa ganong way lang nila cinecelebrate. Pray and thank God sa binigay na blessing sapat na po yun. ❤️

pinauso lang yan ng mga taga ibang bansa, wala nmn ganyan dati. kami nagpustahan lang ng mga kapatid ko, nanalo pa ako, nagkaron pa ako ng pangdagdag sa pambili gamit ng baby namin hehehe!