Kung first time mom po kayo, mag-inquire na lang po kayo directly sa prospect clinic nyo kung pwede kayo. May mga lying-in po kasi na hindi naga-admit ng mga ftm. Personally, gusto ko sana talaga sa lying-in na for my panganay, bukod sa tipid ay I have this impression kasi na bagaman simple lang ang facilities nila ay feeling ko mas maalaga sila doon in terms of attitude ng staff. But since bawal nga raw firstborn, napilitan ako mag-private hospital at almost 53k bill namin both ni baby (normal delivery). For my bunso, lying-in clinic na ko from prenatal hanggang sa manganak, wala akong binayaran miski isang kusing (philhealth accredited). Pati ilang laboratories at lahat ng vitamins ay libre lahat during my prenatal checkups. Nung nanganak ako, kasama na newborn vaccines, pati newborn screening, lahat walang bayad. Personally ay mas maganda naging experience ko sa hospital in terms of post-birth care, pero mas ok experience ko sa lying-in pagdating sa actual birthing experience. Ok sana sa lying-in overall kaya lang hindi aircon yung recovery room nung sa amin kaya hindi ganoon ka-comfortable post-birth 😅
lying in Ako sa panganay ko NASA 16k Kasi ob nag pa anak sakin don. tsaka may tahi Kasi. pero usually 10k below lang binayaran Ng mga nakasabay ko. hanap ka.lying in na philhealth accredited para mababawas Rin sa philhealth mo.