mahinang breast milk flow.iritable at iyak ng iyak si baby.

hi mga mi, need help po. ano po kayang pwede kong gawin? 2weeks old na si baby at formula milk ang una kong naiintroduce sakanya since wala aqng breast milk sa ng few days at ng magkaron nmn aq ng gatas ei mahina kaya di ko pa din sakania mapadede. nung nagfollow up check up aq sa ob ko, inadvice nya aq na istop ang formula milk at magexclusive breast feeding since may milk nmn daw aq. the problem is, laging umiiyak si baby at laging bad mood, hirap na din aqng patulogin sya. feeling ko hndi sya nasasatisfied sa milk ko kaya napapadede ko pa din xa ng formula milk para makatulog xa ng mahimbing, ano kayang magandang gawin? kasi gusto ko nmn xang ibreast milk tlga, kaso naaawa aq pagnagwawala xa na parang gutom na gutom.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan ako sa hospital pa lang. may mga mommies na hindi agad lumalabas ang milk. pero hindi ko tinigil ang breastfeeding while in hospital pa lang. dapat tlaga ay unlilatch. nag inom ako ng malunggay supplements, 2x a day. hourly ang inom ko ng tubig using cup. deep latch para tama ang pagsipsip ni baby. nagpump din ako. mga 2-3days pa bago nakalabas. mga babies ang magpapalakas ng milk supply kaya sinasabi ni OB na EBF si baby. after 1 month, tsaka namin binigyan ng formula. pero continue pa rin ang breastfeed ko kay baby, which is called mixed feeding. until now, 20months na si baby. may breastmilk pa rin ako. nagbbreastmilk pa rin si baby sakin, mixed feeding with solid food. i still take malunggay supplements and drink 2L water.

Magbasa pa