may bukol sa tiyan, 6 months preggy

mga mi need ba talaga operahan yung ganito? 😔

may bukol sa tiyan, 6 months preggy
7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po na operahan sa right ovarian cyst nung March 8, 18weeks po akong preggy nung naoperahan ako pwede sana isabay sa panganganak ko yung pag opera kaso mas mabilis lumaki yung bukol ko kesa kay baby may tendency daw po kasi na maipit yung bata or mag rupture kaya mas mabuti daw na operahan na agad ako. Para din ako nanganak ng CS pero kaya pa nmn daw inormal yun sabi ni OB sa awa po ng Diyos nakakarecover na po ako at okey nmn po si baby ko sa tiyan. Medyo na pamahal sa gastos umabot kasi 110k yung bill nmin pero 50k na lang binayaran nmin kasi nakaltas na yung philhealth and hmo ko.

Magbasa pa
2y ago

Ahh ganun po ba.. Si OB mo lang po makakpag decide kung ano po need gawin po sayo... Dasal po mii pinakambisang gamot at ipag pray ko din po kayo na mairaos mo po yan tiwala lang po mhii.. kayang kaya mo po yan!!!🙏💪

dipendi po sa size at location (benign nmn nakalagay pero mas mabuti pa rin na maremove ito baka kasi dumami/lumaki or dumikit sa other organs that my lead to complications, ovarian growth so possibly maapektohan din hormones mo kung hindi malunasan) ano ba advise ng OB mo? if nagbigay siya ng option na ok lang hindi ipaopera or if kaya lang e medication edi try muna..

Magbasa pa
2y ago

oo mi sabi ng ob dun sa clinic malaki daw talaga siya 😔

Yun SIL ko ganyan. pero sinuggest ng doktor nya na operahan na sya kase mas mabilis yata lumaki yun cyst nya kesa sa baby. 4 months preggy nun inoperahan, pero nun nanganak sya normal naman nya nailabas si baby through normal delivery. Basta mi sundin mo ano payo ng OB mo, sila mas nakakaalam kung anong best para sayo and kay baby. Kaya mo yan mi.

Magbasa pa
2y ago

salamat mi, try namin mag-inquire

pwede po kayo mag seek consult sa OB.. nag aadvice naman po sila... usually sa mga ONG na case tinatanggal po talaga yan..sinasabay sa CS or di kaya ini-ischedule depende po sa evaluation po ng inyong OB

2y ago

wag ka matakot sa cs di na ganun kahirap ang recovery ngayon ng cs. ang importante safe kayo ni baby. ako cs kinabukasan naglalakad lakad na. 4 dad nakakapagsampay na ng labahin . wag mo lang babyhin yung sugat mo.

Need na matanggal yan sis,pag gamot kase alam mo nmn di tayo pwede basta mag-gamot lalo at buntis. Pinaka-safe tlga ma-operahan ka. Kayanin mo sis.

2y ago

oo nga mi eh 😔

ano po ba ang sabi ng ob nyo? kung ano sinabi sayo, yun po ang sundin nyo. kung sinabing ooperahan, ask mo.

mag mga nararamadaman kaba sa IYONG bukol sis? before kapa nabuntis

2y ago

oo mi malaki, sakop niya yung buong left side ng tiyan ko kaya pala hindi ko maramdaman na gumagalaw banda doon si baby, lagi lang siyang nasa right side ko kasi may nakaharang pala 😔

Related Articles