Kakalungkot

Mga mi, meron ba dito na di naka pag CAS ultrasound or walang balak? Sa part ko gusto ko sana para mapanatag naman ako kaso naawa ako sa partner ko sya lng kasi kumakayod at may 3yrs old pa kaming anak. Hirap talaga pag taong bahay ka lang.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Actually CAS is not required naman. Pero karamihan kasi sa mga OBs ngayon, nirerequire na nila. Para din kasi sayo yon and kay baby. Para alam nyo kung ano ieexpect nyo pag labas ni baby. Important din yon sa mga OBs para prepared sila kung ano ba ieexpect nila paglabas ni baby. Baka kasi kelangan pala ng special care ni baby paglabas or baka kelangan pala ng specialists (other doctors). Mga ganong scenario po. If irequire ka man ni OB and di talaga kaya ng budget, pwede mo naman din sabihin sakanya na hindi kaya. Be prepared lang din sa panganganak if may problem pala kay baby (sana wala, God forbid). To add: para sa mga nagsasabi na ang CAS ay para sa mga may history lang ng miscarriage, hindi po. Anyone po pwede magpa CAS (recommended). And kahit wala kayong request ni OB pwede nyo po yun ipagawa.

Magbasa pa