MIX FEED... HIYANG BA C LO? 5 WEEKS BABY. FTM

Mga mi, hiyang ba c lo sa formula? Mix feed sya sa gabi lang sya mag formula pag iba bantay nya for 4hrs. 1st wk ng mix feed- 2:1 ang gawa ko (2oz:1scoop), ok naman ang poop nya same lang sa poop nya nung pure bf, mushy na yellow na mejo basa. (3-4 times mag poop) 2nd wk ng mix feed- 1.5:1, yellow parin ung poop nya pero hindi na basa dry na sya. (2-3 times mag poop) 3rd week- 1.5:1 Tue, hapon lang sya nag bf and formula na lahat (umaga and gabi).. nag poop 2-3 times, panay utot nya as in myat mya Wed madaling araw last poop nya, same mag hapon bf sa gabi formula, panay utot parin Ngaun thu madaling araw, wala parin sya poop. Puro ihi lang and utot (Gatas nya reseta ng pedia. Yung scoop ako lang nag decide since gusto ko iobserve kung may magbabago ba sa dumi nya once nag mix feed) Need ko naba mag worry mga mi? Planning pa check up c lo ng friday pag di parin dumumi ngaun mag hapon.. thanks!

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Momsh anu po formula gamit mo kasi c LO ko panay utot at ihi lang din madalas 3 to 4days ang poop nia mix feeding din ako sa umaga formula at bf tas sa gabi unli latch cia mahina pa kc supply ng gatas ko kea hinahaluan ko ng formula kailangan ko pa hilutin tiyan nia bago dumumi.

1y ago

enfamil po

mommy anu pong formula ang gamit nyo? same situation, mix feed din ako sa baby ko. Sa gabi ang formula. Then napansin ko panay ihi at utot lang din sya pero walang poop. pang 4days nya na ngayon

1y ago

mommy need lang po hilutin ang tummy ni baby pero gentle lang dapat. naka poop na LO ko kaninang umaga, pang 4days nya ngayon. enfamil din formula ng LO ko

normal lang di nadumi ang baby everyday upto 1week pag ebf at upto 4days if formula fed.