Ganyan din ako dati. 😅 Ganyang ganyan sinabi ko kay husband. Imbis na yung focus ko nasa toddler namin eh mapupunta agad sa bunso pero sabi nya andiyan na daw kaya laban na yan. 😆 Habang hindi pa lumalabas si baby lahat ng attention ko binibigay ko na kay kuya. Tapos nung lumabas si bunso, I made sure na may time pa din ako kay kuya kahit na puyat puyat sa gabi kaka hele. Nitong lumaki na sila ( mag 5y/o na si kuya tapos 3y/o naman si bunso) wala na yung guilt na naramdaman ko before. Yun nga lang nakaka pagod mag saway kasi lagi sila nag aaway. Mainitin ulo ng bunso namin. 😆 Ask your husband kung pwede i postpone nya muna yung plans going abroad. Mas kailangan mo siya ngayon. Palitan kayo mag alaga ng mga kids nyo kasi sa totoo lang mahirap yung 2 alaga tapos mag isa ka lang.
Siguro ask your parents to live with you so they can help with taking care of your kids. Only kung possible yun. Sabi kasi ng iba rin, ianak na lahat with just close age gaps para minsanan nalang ang pag aalaga. Ewan ko kung maganda talaga pag ganun. But me and my bother’s age gap is 1 year and 2 months. Di nahirapan mama ko sa pag aalaga because she had help from her parents and her siblings.