SIBLINGS AGE GAP

Hi mga mi... Hingi lang po ako ng idea sa mga nakakarelate ☺️ Im currently 8 weeks pregnant now and ung eldest ko is 1yr and 8 mos now. So by the time na makapanganak ako kay bunso approximately 2 yrs and 3 mos pa lang sya. Hingi lang po ako ng advice and idea. Pano nyo po nahandle ung pag aalaga sa toddler and infant? May times na nagguilty ako kasi ang bilis nya nasundan ung attention na dapat nasakanya pa kaso mas may needs si newborn. Si husband ko kasi planning to go abroad na worried talaga ko. Thank you ❤️

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din ako dati. 😅 Ganyang ganyan sinabi ko kay husband. Imbis na yung focus ko nasa toddler namin eh mapupunta agad sa bunso pero sabi nya andiyan na daw kaya laban na yan. 😆 Habang hindi pa lumalabas si baby lahat ng attention ko binibigay ko na kay kuya. Tapos nung lumabas si bunso, I made sure na may time pa din ako kay kuya kahit na puyat puyat sa gabi kaka hele. Nitong lumaki na sila ( mag 5y/o na si kuya tapos 3y/o naman si bunso) wala na yung guilt na naramdaman ko before. Yun nga lang nakaka pagod mag saway kasi lagi sila nag aaway. Mainitin ulo ng bunso namin. 😆 Ask your husband kung pwede i postpone nya muna yung plans going abroad. Mas kailangan mo siya ngayon. Palitan kayo mag alaga ng mga kids nyo kasi sa totoo lang mahirap yung 2 alaga tapos mag isa ka lang.

Magbasa pa

Siguro ask your parents to live with you so they can help with taking care of your kids. Only kung possible yun. Sabi kasi ng iba rin, ianak na lahat with just close age gaps para minsanan nalang ang pag aalaga. Ewan ko kung maganda talaga pag ganun. But me and my bother’s age gap is 1 year and 2 months. Di nahirapan mama ko sa pag aalaga because she had help from her parents and her siblings.

Magbasa pa