Cheating husband

Mga mi. gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. 4 months post partum, FTM. at nalaman ko na nagcheat yung asawa ko. may friend ako na nakakita sa kanila sa bar. napicturan syang may kayakap na babae. sobrang sakit. pakiramdam ko durog na durog ako. hindi ko alam ang gagawin mga mi. sinasabi nya aayusin nya para sa anak namin. na mas okay lumaki anak ko na buo ang pamilya. pero ang hirap mga mi. wala na akong tiwala. akala ko sya yung masasandalan ko lalo na ngayong bagong panganak ako at hirap na hirap magadjust. di ko alam gagawin ko. pakiramdam ko sasabog yung dibdib ko at hirap akong makahinga. #cheatinghusband

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mie, alam ko masakit malaman ang mga ganyan bagay.. lalo na.. kung kakapanganak mo lang din.. hindi maganda sa Mental and emotional health mo yan.. Esp. bagong Panganak ka pa.. Yes, nakakaawa ang bata nalalaki Siya ng hindi buo ang Family once na nagdecide kang makipaghiwalay sknya.. or kung pagbigyan mo man siya.. it takes time to Heal and forget...at mahirap ibalik ang TRUST. pero ito lang masasabi ko.. marami man advice ang mundo at iba iba.. esp sa kanya-kanya kwento at hugot ang tao.. pero iisa lang ang best advice na pwede ibigay at makakapagsagot sau.. kundi lumapit ka kay Lord.. sknya mo ibuhos lahat ng nararamdaman mo.. galit man yan.. sakit.. lahat ng pain na meron ka.. then Ask Him, kung anong tamang ggawin mo! kung magstay ka ba? or hindi? kung tatanggapin mo ba itong challenge ni Lord. or ask Him Kung dpat mo ng iwan un taong ito. SIYA lang ang makakasagot ng lahat niyan..Paano mo malalaman un sagot.. Thru HIS(God) word... paano mo mararanasan un kapayapaan Thru HIS Comfort.. Paano mo mararanasan un satisfaction and strenght thru HIS Love. si Lord ang magpupuno sayo.. at Siya magsasabi kung ano ang Para sayo.. Remember, may kanya-kanya Tayo ng story.. according His Plan. dont forget Jeremiah 1:9.

Magbasa pa