Cheating husband

Mga mi. gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. 4 months post partum, FTM. at nalaman ko na nagcheat yung asawa ko. may friend ako na nakakita sa kanila sa bar. napicturan syang may kayakap na babae. sobrang sakit. pakiramdam ko durog na durog ako. hindi ko alam ang gagawin mga mi. sinasabi nya aayusin nya para sa anak namin. na mas okay lumaki anak ko na buo ang pamilya. pero ang hirap mga mi. wala na akong tiwala. akala ko sya yung masasandalan ko lalo na ngayong bagong panganak ako at hirap na hirap magadjust. di ko alam gagawin ko. pakiramdam ko sasabog yung dibdib ko at hirap akong makahinga. #cheatinghusband

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

It takes a lot to forgive and forget. Wag mo pilitin mgpatawad pero try to forget it kasi ikaw lang din mahihirapan. Bigyan mo pa ng 1chance, pero wag mo pilitin ang sarili mo na mgtiwala ulit sa kanya mahirap mgtiwala lalo na kung hindi sincere, this happened so may chance na pwedi maulit and it will give you anxiety talaga na baka may ibang babae nanaman. Sabihin mo directly sa husband mo what's your deal, give a chance and move forward pero kapag malaman mo nagcheat ulit iwan mo na. Mas mainam na lumaki ang bata na walang ama kaysanman ganun pilit binubuo tapos cheater, it will affect the child emotionally and psychologically either way. 5yrs na kami ng hubby ko always ako may pangamba na baka matukso siya kasi yun pgkakakilala ko sa kanya pero alam niya na iiwan ko siya kapag mgcheat siya there's no perfect marriage pero ako ayoko mgstay sa relationship na unhealthy galing ako sa broken family mas nanaisin ko na mghiwalay kaysa mgstay. Sabi nila there's no perfect marriage, para lang daw yun sa matatapang at kayang magpatawad ng paulit-ulit (pero kasabay ng pagpapatawad is pang aabuso kasi iisipin niya na kahit ganun kalaki kasalanan niya npatawad mo uulit nnman yan kaya kung papatawarin mo man set a deal na it's the last chance.)

Magbasa pa

Hi Mie, alam ko masakit malaman ang mga ganyan bagay.. lalo na.. kung kakapanganak mo lang din.. hindi maganda sa Mental and emotional health mo yan.. Esp. bagong Panganak ka pa.. Yes, nakakaawa ang bata nalalaki Siya ng hindi buo ang Family once na nagdecide kang makipaghiwalay sknya.. or kung pagbigyan mo man siya.. it takes time to Heal and forget...at mahirap ibalik ang TRUST. pero ito lang masasabi ko.. marami man advice ang mundo at iba iba.. esp sa kanya-kanya kwento at hugot ang tao.. pero iisa lang ang best advice na pwede ibigay at makakapagsagot sau.. kundi lumapit ka kay Lord.. sknya mo ibuhos lahat ng nararamdaman mo.. galit man yan.. sakit.. lahat ng pain na meron ka.. then Ask Him, kung anong tamang ggawin mo! kung magstay ka ba? or hindi? kung tatanggapin mo ba itong challenge ni Lord. or ask Him Kung dpat mo ng iwan un taong ito. SIYA lang ang makakasagot ng lahat niyan..Paano mo malalaman un sagot.. Thru HIS(God) word... paano mo mararanasan un kapayapaan Thru HIS Comfort.. Paano mo mararanasan un satisfaction and strenght thru HIS Love. si Lord ang magpupuno sayo.. at Siya magsasabi kung ano ang Para sayo.. Remember, may kanya-kanya Tayo ng story.. according His Plan. dont forget Jeremiah 1:9.

Magbasa pa

Siguro if ever lang na ako ang nasa kalagayan mo,natural lang na hindi muna mapatawad..siguro lalayo n muna ako s kanya para marealize nya ang pagkakamali nya..doon n muna ako sa magulang ko ako tatakbo dahil wala nmn ako iba tatakbuhan kundi pamilya lang din..Ngayon kung makita ko na sa tinagal na hindi ko pakisama s kanya ay nagbago na sya talaga .at saka ako mag iisip kung babalikan..kasi mahirap magsabi ng hiwalayan mo n agad e lalo kung mahal mo tapos sumumpa pa kayo sa Diyos s pamamagitan ng kasal na hindi kayo magtataksil kahit kaylan..for me kase mahalaga yung kasal at yung mga sinaBi ko sa dambana nun kami ikinasal,ay paulit ulit kong alalahaNin..nasa sayo parin po mami ang desisyon..mahirap magpatawad pa sa ngayon pero pag isipan nyo po mabuti bago gumawa ng desisyon.

Magbasa pa

Magpalamig ka mhie then pagisipan mo ang better , kung mas better ba lumaki yung baby mo without a cheating father, or lumaki sya ng may sinungaling na ama? ako po inaabuso ako nung nakabuntis saken halos masuntok nya nako pinagsisigaw nyako in public plging rason sken "PORKE BUNTIS KA KELANGAN NA GAWIN LAHAT PARA SAYO" nagsimula don lumayo na loob ko hanggang sa makapanganak po ako hndi nmn porke may anak kna aayawan ka na po ng lahat andmi parin po dyan na tatanggapin kayo ng baby mo pero syempre tatay nya yun at minamahal mo po husband mo nasayo parin po pero magpa unwind ka muna kasma baby mo ksi once binigyan mo ng ilang chance ang lalake uulit ulitin nya po yun at aabusohin yung mga binigay mong chance

Magbasa pa

layo muna kayo ng anak mo para makapag isip isip ka. wag ka padadala sa mga sinasabi nya.. di lang sya sayo nag betray pati sa anak mo at sa pamilyang binuo nyo.. kasal na kayo thats means di ganon katibay pag mamahal nya sayo to do that s***.. isipin mo buo nga kayo pero wala ka naman peace of mind.. okay di buo pamilya kesa lumaki anak mo na ganyan na wiwitness nya sa relasyon nyo that would be creating a chilhood trauma in the long run.. nag sorry lang yan kasi nahuli mo.. what if kung hindi? means nung kinasal kayo hanggang sa nabuntis ka nagloloko na yan.. use your brain. wag ka mag papadal.. also please comfront the girl with class nasayo lahat ng legal rights, youre the wife.

Magbasa pa

heal yourself mommy at wag mo pilitin ang sarili mo magpatawad kung masakit pa para sayo ang ngyayari wag mo siya patawarin.. oo Tama na mas ok na buo pamilya Pero di ba mas masakit makita ng anak habang lumalaki na may Lamat at hindi maayos ang kinalalakihan niyang magulang?.. ang totoo niyan malakas tayong mga babae di natin kelangan ng cheater husband para mapalaki natin ng mas maayos ang mga anak natin .. tayo lang sapat na sa mga bata... kaya kung sakali magpatawad ka hindi dahil sa bata.. kung hindi para sa relasyon niyo bilang mag asawa... ang trust kasi parang papel yan na Pag ginusot na mahirap na ibalik sa dati... Godbless mommy kaya mo yan.. malakas ka bilang babae. .. malakas ka para sa anak mo.

Magbasa pa

Always remember na God is always there for u mag pray ka , iiyak mo lang ilabas mo ang sama ng loob mo then hinga ng malalim laban ulit para kay baby titigan mo palagi si baby at kausapin mo sya mommy malalagpasan mo din yan , isa din ako sa nakaranas ng ganyan pero matatag nako ngayon at kinakaya kona lahat 💖🥺🤗 big hug mommy laban lang po stay strong and trust the process panahon din ang mag papahilom sayo at kung deserving naman ang asawa mo na bigyan ng second chance patawarin mo sya at mas piliin mo parin na ayusin ang pamilya mo. Lovelots!!!

Magbasa pa

Sabi nila, kawawa ang bata kapag broken ang family. This is partly true, pero I feel mas kawawa sila kapag lumaki sila sa environment na nawalan na ng tiwala, respeto, or pagmamahal. Madali mag-advice on our part kasi hindi naman kami ang nasa lagay mo, kaya ang masasabi ko lang take your time to heal. It's okay to feel angry and sad. Take a break, breathe, and then get back up. Ikaw lang nakakaalam deep in your heart what's best for you, your child, and your family. Hugs ❤️

Magbasa pa
TapFluencer

This happens in my sister before and hindi ko po sinuggest na paninifigan nya yung ayaw nyang lumaki na hiwalay ang parents ng baby nya, pero no po mas worst po kung mag sstay ka sa cheater , there is more better na mangyyaari sa buhay ng wala yung lalaki na yan, lalo na kung papatawadin mo yan, uulitin lng nya yan dahil napapatawad mo sya. Value yourself po and yung bata na hnd nya pinahalagahan habang nag cheat sya .

Magbasa pa

sad to hear that. PG pray nyo Po Muna, try nyo pong bigyn p ng pgkktaon qng tlgang mgbbgo. 3 months baby ko, sa araw2 n puytn sa PG aalaga di ko n rin maasikaso Asawa ko. I feel so cold sometimes, feeling ko sya rin, pero I know later on bblik din lht sa dti, I just need time to relax. di nmn sya cheater kse work from home kmi.

Magbasa pa