19 Replies
same po, nag start ako sa obimin 2nd trimester. grabe yung hirap sa pagsusuka as in kadiri yung lansa. triny ko sya sa iba ibang time and ang pinaka nagwork sakin is right before ako matulog. sabay sabay; hemarate fa, calvin plus and obimin. as in dapat pagkainom, sleep na agad. pag naka 1 hour pa na gising, derecho suka sya mommy. yun na yung nagwork sakin hanggang manganak ako 🫶
Hi po okay lang po ba stop Ang pag take ng mga vitamins kasi nasusuka ko po mula 20weeks until now na mag 21weeks nako Dina ako gaano nakainom mga vitamins po kasi nasusuka ko rin po at sayang din kapag nalasahan ko kasi sya at inaacid ako isusuka ko sya Kahit gabi po. Ano po kayo dapat gawin?
Ibang brand po yung pre-natal multivitamin na binigay sakin pero grabe rin po nausea ko kapag pinagsabay ko siya sa 2 vitamins (folic acid and B-complex) na nireseta rin sakin. Ang nag work po sakin is after breakfast po yung 2, tapos yung multivitamin naman after dinner na.
My OB gave me 2 options, I've tried Obimin plus and it has the same effect on me as in kadiri so I switched to Mamawhiz plus and walang side effect or kadiri factor for me, I can take it pa after dinner no need to wait for some time unlike obimin
Sa akin mga 2 hours after lunch ko iniinom yung obimin tapos di dapat ako kakain ng anything 1 hr after that. Na try ko na yung before and after meal or food in take pero di nagwork sa akin, nasusuka ako kapag ganun.
yan nalang po ba ininiiom nyo? currently 9weeks po now, inom ako folic acid after bfast before lunch ferrous, 1hr after lunch calcium, multivitamin sa gabi, nagiisip ako baka may vits na pwedeng isahan nalang hehehe
Yung reseta sakin ng OB 8AM iinumin yung obimin then yung calcium 2x a day (AM & PM) then hemarate every 11AM So ginagawa ko iniinom ko yung obimin after breakfast then after 30mins saka naman yung calcium
wag iinumin kapag busog palipas ka.wag din isabay sa ibang vitamins , mas mainam inumin bago matulog, pagka 4mos. mejo mahinhawa na. -ganyan din ako tiis tiis lang para kay baby.
Ganyan din sakin nung first trimester talagang sinusuka ko yung kinain ko. Kaya ginawa ko gabi ko nalang sya tini take bago matulog tska dapat maaga nakakain para talagang na digest na.
mami grabe din ako nong 1st trimester ko pero tiwala lang mami, 2nd trimester na po ako ngayon nawala na ang pagsusuka ko at ganado na po ako kumain. 🤍
Mary Anne Danao