16 months baby boy

Hi mga mi. Ftm here. Meron po ba Dito same case ng baby boy ko? 16months na po sya pero Wala pa po sya nababanggit na words. Nakakapagsabi po sya ng dadada at mamama noon bago sya mag 1yr old pero di na ulit nya nababanggit. Puro babbling na lang po nasasabi nya Ngayon. Pag tinatawag din po name nya hindii sya tumitingin. Noon Naman po bago sya mag 1 yr old tumitingin sya Ngayon parang bihira na. Nung 6 mos sya kaya nya mag peekaboo tatakpan nya lampin muka nya at tatanggalin at before 1yr old kaya nya mag align. Pero di na nya nagagawa ulit. Regression po kaya yun? Pero nakikipaglaro Naman po sya sa Amin nakikipag habulan sya. may eye contact sya kaya na nya mag clap at mag bless. Medyo hirap lang po nya maglaro ng toys Kasi lagi nya sinusubo. Yung mga gulong po ng toy cars nya pinapaikot nya. Di nya pinapaandar ng as a toy car. Nagsimula na din po sya maglakad Minsan ng naka tip toes. Super active nya. Worried at medyo praning lang po Ako Kasi may Kapatid Akong may autism at Yung pamangkin ko medyo nakikitaan din ng signs. Wala Naman po problem sa hearing nya. Advance nga po Ang motor skills nya. 9 mos humahakbang na sya. Yung language at cognitive lang po siguro Yung medyo di sya nakkaasabay.

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply