27 weeks and 4days

Hi mga mi! FTM here. 27weeks and 4days na ko today. CAS and cervical length measurement ko sa April 12. Tanong ko lang po kung normal lang po ba na sa puson ko madalas nararamdaman si baby kapag gumagalaw sya dati po kasi sa tiyan sa right side ngayon po halos sa puson talaga tapos pag malakas yung galaw parang ramdam ko rin sya sa p*p* ko. Hindi na rin po ako makatayo ng matagal at makaupo dahil naninigas yung tiyan ko pati yung puson ko rin pero pag nahiga ako okay naman na sya hindi ko na nararamdaman na naninigas. Nag decide na rin ako mag resign at mag bedrest na rin dahil hirap na rin talaga ako mga mi sa pag byahe lalo at matagtag. Nagpa consult na rin po ako sa OB and nagbigay na rin sya ng meds. Anyone po na nakakaranas din po ng ganito? Hehe medyo nag o-overthink lang po ako.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Parang masyado na pong malaki si baby for CAS? Magbedrest lang po kayo and free yourself from stress.

4mo ago

Ask your ob po if they can still do CAS kasi normally po nasa 22-24 weeks lang po siya. No worries.