Contractions

Hi mga mi!! Currently 40 weeks and 4 days preggy. Ask ko lng po if ano po ba talaga feeling ng contractions? First time mom po kasi ako and still di ko pa po ma identify kung contractions po ba nararamdaman ko or si baby lang po. Wala po kasi akong pain na nararamdaman katulad ng mga sinasabi nila pag tumitigas ang tyan. Thank you po sa mga sasagot 😊😊 #firsttimemom #pasagotmgamommies

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

over due kana my, delekado na kay baby yan. bakit need pa mag wait ng friday, cs na dapat yan e. kasi baka nag pupu na sa loob si baby. regarding naman sa contraction eto yung naninigas yung tiyan mo tapos masakit sa balakang. parang hinihila pababa yung balakang mo pag nag lalabor na. pa check mo na yan mi. baka lalo mag kaproblema pero wag naman sana. πŸ™πŸ™πŸ™

Magbasa pa

Punta kana sa OB mi, baka magpupu si baby sa loob. Nung nanganak ako 40weeks and 2 days. No sign of labor din ako kaya induce ginawa kaso di bumaba si baby kaya emergency CS, Buti nailabas na si baby, ilang hours lang kasi nagpupu na sya, buti hindi sa loob.

ako sa 1st ko 41weeks open na ako stock sa 4cm pinainom ako ng buscopan kc wala talaga akong pain na naramdaman then 41weeks and 4days i decide na magpa induce inaalala ko kc yong baby baka makadumi ee kaya ininduce na ako nunπŸ˜…

ininduce po aq ng OB q dti kz 3cm na aq and nsa 41 weeks and 5 days na aq nun...mskit po yung contractions...prang naninigas yung abdomen mo na nangyyri cia every 3 to 5 mins

Para ka pong natatae pero wala naman nalabas tapos kasabay nun ang paninigas ng tiyan mayat-maya po ganun, ganun kasi naramdaman ko akala ko natatae lang yun pala manganganak na

40 weeks dapat po manganganak ka na nyan ! pa check ka mi sa doctor kasi baka ma overdue ka

4w ago

Yes po. Nakapanganak na din po ako buti po kinaya ng normal. Nung nag 9cm lang po tyaka ko po naramdaman yung pain.

maka overdue nmn ung iba dito may +2 weeks pa nmn yan..wait mo lng mi...pag di na tlga keri pa induced ka na

pag sakit sa balakang, tutugon yung tiyan.. pag sakit ng tiyan tutugon ang balakang.. ganun ako

parang sumasakit puson mi. prang tinutusok ganun sa banda pusod gang pbaba ng pwerta

ako may contraction ako base sa ultrasound ko pero wala akong nararamdaman..