May nagkaganito ba sa inyo?
Mga mi currently 14w preggy ako, nagbabatik batik ung balat ko halos buong katawan maliban sa mukha wala pa, as in mukha syang libag, pero hindi matanggal kahit ilang ligo. Possible kayang dahil nga sa pagbubuntis to? Simula kc nung nalaman kong buntis ako hindi na ako gumamit ng lotion, nivea extra white serum kc ang ginagamit ko sobrang tagal na, baka hindi maganda sa pregnancy kaya tinigil ko. Kaso nagkakaganyan balat ko. Any advise? And suggestion of soap and/ lotion na pwedeng gamitin.