Inat ng inat ang new born ko

Mga mi baby ko inat ng inat mg 1 month bukas ,worried ako sobra kasi di na nkatutulog maayos panay iyak after inat .. normal lng kaya ito Minu minuto inat ng inat 😌

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Si baby ko po, 3 weeks old pa lang and inat nga po ng inat. Pag nainat sya with sounds pa and minsan naggulat sya sa sarili nyang inat kaya naiyak din po. Sabi po ni mama ko with 4 raised babies, pangpalaki daw po ng baby talaga ang pagiinat kaya normal lang yun. Tsagain daw po sa tapik tapik muna si baby para magtuloy ang tulog. Pero again po if nabbother po talaga tayo, best to consult pedia pa rin. God bless mommy!

Magbasa pa
1y ago

nirereklamo ko din sa pedia niya oks lng nmn dw thanks mommy 💕💕

swaddle nyo po sya mi..

1y ago

baka same ng baby ko, nung newborn sya hanggang mag 1months lageng ganun, parang naiire pa nga, kinakabag sya madalas at mdalang madumi, pinacheck up namin pinalitan yung gatas nya ng low lactose, ayun ok naman na sya 5 months na sya ngayon.