Normal lang ba sa buntis na mag-iba ang panlasa sa pagkain ?

Hi mga mi, 6 weeks pregnant ako. Kanina nagluto ako ng gulay na may talong saka bunga ng malunggay, hinaluan ko ng paborito kong dahon ng kulitis. Noong kumakain na ako, napakapait ng panlasa ko sa dahon ng kulitis. Di 'ko tuloy naubos. Pinatikim ko sa Papa ko, di naman daw mapait. First time mom here, 7 yrs TTC. Normal lang kaya mga mi 'yong ganito na nag-iba panlasa ko ? 😊

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hi mommy. FTM here. may mga nababasa po ako dito sa app na usually daw po nagcchange talaga panlasa natin. 😊 minsan yung favorite natin na pagkain, biglang ayaw na natin.

7mo ago

Thank you, mi! 😊